Wednesday, November 16, 2011

Prayers Answered

Nung bata ako, tinuruan ako na magdasal bago matulog at pag gising sa umaga. Sagrado katoliko ung pamilya ng nanay ko. Kapag umuuwi ako sa probinsya tuwing bakasyon, andyan ang angelus ng 12nn at 6pm. Ang Saturday evening at Sunday mass. Hindi pa kasama ang mga novenas. Walking distance lang kase ang simbahan sa bahay ng mga lola ko sa province. At dahil sa mga lolas ang kasama ko sa bahay, wala akong choice kundi ang sumunod. Sa bahay, sa totoong bahay naming kasama ang magulang ko, hindi gaano napapansin ang mga angelus at novenas pero inoobliga ako ng nanay ko na amgsimba tuwing lingo at magdasal bago matulog. Mga dasal ko? Nung batang-bata ako, the usual na angel of guard, my guardian dear… nung elementary years, naglevel up sa Our Father, Hail Marys and Glory Bes ang mga dasal ko. Lahat ng pinasukan kong school mula preschool hanggang college puro Catholic schools. Tinuturuan ng iba’t-ibang klase ng dasal para sa iba’t-ibang klase ng sitwasyon. One form of prayer and praising God daw ang singing praises. And since mahilig ako sa musika, I was into glee club mula elementary and highschool. Natututo ng iba’t-ibang mga awit tungkol sa Diyos. College, nawala ako sa choir/glee club, nagbago ang interest, hindi na rin ako nagsisimba tuwing lingo. I was away from my family nung college years kaya wala ng mangungulit or magagalit kapag hindi nakakasimba. Walang nagsesermon sa tuwing makakalimot magdasal paggising sa umaga. I was living my life the way I think it should be and the way I thought I wanted it to be. Living without prayers, living without faith. Naalala ko after college, nakakapagsimba na lang ako kapag nakakaattend ng kasal, binyag at kung anu-ano pa na may church activity/involvement. Kapag nakakasimba, I wasn’t really paying attention. Ligawin ang isip ko, maligalig.

At some point, I was aware that I stopped believing.  I started “sinning” (meron nga bang salitang ganyan?) I started lying, not to other people but to myself. Confused? No. Crazy? Definitely hindi. So, what the hell happened? What was the reason? IDK. I just knew and felt that I don’t have the capacity to believe in something I haven’t seen. I don’t have the ability to put my trust into my own faith. Faith. What is Faith? Ang alam ko lang na faith eh pangalan to ng classmate ko dati. Si Faith na matalino, mabait, friendly. Larawan ng isang mabuting Kristiyano. (lol) But seriously, What is Faith? I could go on and list several meanings of faith pero it wouldn’t mean that much kase alam naman nating lahat na ginugel ko lang ang ibig sabihin nun. But if you would ask me, to define it in my own words depending on my belief, then you wouldn’t be able to get any answer from me. Wala akong mabibigay na sagot dahil wala akong pinaniniwalaan.

Do I believe in God? Yes and No. Don’t try to ask me why cos I wouldn’t answer. Do I still pray? If you mean the traditional Our Fathers and others, NO, I don’t. Pero ung simpleng pakikipagusap ng isipan ko sa kung sino mang Higher Forces, then YES, I still pray. Maraming nagsasabi or nakapagsabi na sa akin na kaya daw nagkakandaleche-leche ang buhay ko (mga mismong salitang ginamit nila lol) is because I lack faith. Salat daw ako sa paniniwala/pananalig sa Kanya. Kaya daw hindi ako pinagpapala. No offense sa mga taong relihiyosong tunay. Hindi ang simpleng dasal ang sagot sa lahat ng problema sa mundo. Sa dami ng mga nagsisimba at nagdadasal araw-araw, sa Pilipinas pa lang, bakit hanggang ngayon baluktot pa rin ang sistema ng bansa? Sa dinami-dami ng mga nagdadasal, bakit marami pa ring mga batang palaboy, walang bahay, walang makain, walang kinabukasan?

Gusto ko ng malaking bahay, magarang kotse, magandang trabaho. Magdadasal ako. Bukas ba pag gising ko, meron na lahat ng gusto ko? Gusto kong maging Masaya, ipagdadasal ko na bukas magiging Masaya na ko. Naniniwala ako! I have faith in my faith. I have faith in my prayers. Pag gising ko bukas, kusang lalapit si happiness at happily ever after na ko.  Gusto ko ng bagong cellphone, magdadasal ako. Does it work that way? Does faith work that way? Sabi nila you just have to believe, you just have to have faith and everything will be as it should be. Ano ba ang dapat?

I know I’ve lost my faith. Faith in what? I don’t know. I’ve yet to discover. But losing faith doesn’t mean you have to stop living your life. I am living mine right now…. Its just funny kase with the way I live it, it doesn’t seem as if I’m really living it.. magulo? Hindi naman. For some, siguro malabo tong sinasabi ko. I’m just sayin… ano nga ba ang point ko? Faith isn’t something na tinutulak sa atin. Hindi ito isang bagay na ipinapabili sa atin sa tindahan para magamit natin. Its something that we get out of the life were living. 

I’m just glad I wasn’t named Faith by my parents, otherwise, magiging isa akong mantsa sa mga mabubuting taong pinangalanang Faith….


Tuesday, November 01, 2011

Random Me

CHEESY
- I'm a cheese person. Any food that has cheese in it, di ko palalagpasin.  Hindi ako madaling maumay sa macheese na food, sa taong ma-cheesy, dun ako nauumay. (Pero minsan cheesy din ako ahihihihi)


3 SETS
- Dito sa bahay, I always have 3 sets of sanitary napkins na  nakastock. (1) without wings, ginagamit ko lang pag nasa bahay ako - daytime. (2) with wings, ginagamit ko pag umaalis ako ng bahay, kapag lakad or something. (3) all nightie, pang gabi lang, ginagamit ko to kapag tulugan na.


NOVEMBER 1
- Nung sa Souther Tagalog Region pa kami nakatira, tuwing November 1, umuuwi kami ng Cavite City not just to visit the deadssss but the livingsss as well. Hindi kami nagpupunta sa sementeryo ng daytime, laging sa gabi, iwas bilad sa araw. Sa gabi, jampacked ang cemetery kase nga dun naglalabasan ang mga tao instead na sa araw.  Tatambay kami ng mga ilang oraS dun habang nakikichika ang mga oldies sa mga kapwa mga oldies, kami namang mga bagets (hindi ko na maalala kung sino ung mga nakakasama ko nung time na un) umiikot-ikot sa mga puntod at nangunguha ng mga melted candles at iniipon, binibilog at binebenta. After ng tambay sa cemetery, sa peryaan naman ang sugod namin, we usually stay until 1AM, pagkatapos nun uuwi na.
- Kapag naman hindi kami nakakauwi, sa bahay lang kami. Magluluto ng kung anu-anong kakanin. Naalala ko fave ko nun ang suman.. ung kamoteng kahoy na suman. Pero hindi kami gumagawa nun. Nanghihingi kami sa binibigyan kami ng kapitbahay namin. Usually ung mga may gata-gata something ang niluluto sa bahay. Tas from October 31- November 2, nagtitirik kami ng kandila at nagrorosaryo kami, isa sa morning at isa sa evening, feeling ko nun ang banal-banal ko.


MIRROR
- Hindi ako makapagbrush ng teeth ng hindi nakaharap sa salamin, parang iba ung pakiramdam, hindi komportable, may kulang. Pero kaya kong maglagay ng eyeliner ng walang salamin.. "de-feel" lang.


UTENSILS
- Meron akong paboritong spoon and fork na ginagamit kapag nasa bahay ako. As in ikinaiirita ko ng sobra kapag kainan na at makita kong wala dun ung spoon and fork na gusto ko dahil nasa hugasan at may gumamit na iba.
- Ayokong gumagamit ng plastic na baso. Hindi naman sa choosy ako. Kung nasa ibang lugar ako at yun lang ang pwedeng gamitin, ginagamit ko ng maluwag sa kalooban ko at walang bahid ng pag-iinarte ang nagaganap. Pero kung nasa bahay din lang ako, hindi ako gumagamit nun. Ayoko lang. Tapos.


PATIENCE IS A VIRTUE
- Dati, may virtue pa ko sa lahat ng bagay, ngayon, napipili na lang. Pasensyosa akong nilalang. Dati, it takes a lot of effort para makainisan ko ang isang bagay, tao, hayop, lugar o pangyayari. Ngayon, text pa lang inis na inis na ko. Ngayon, text pa lang nauubos na ang pasensya ko.


VANITY
- Vain ako. (Pero hindi naman sobra di tulad nung gustong palabasin ng ibang tao dyan) Matagal ako maligo, dati mga isang oras ako sa banyo, nung may nagreklamo na friend ko kase madalas akong ma-late sa mga usapan at lakaran, nireduce ko sa 45minutes. When I had my tattoo, nareduce ko sya sa 20minutes. Ngayon nakakaligo na ko ng 15minutes na lang (pero hindi ako kumbinsido sa ligo-pato style na yun) Paminsan-minsan nakakaligo ako ng 5minutes. *eye roll*


CLOTHES
- Inaabot ako ng kung ilang minuto sa pagdedecide kung ano ang isusuot ko. Magbubukas ako ng closet ng 10AM, titigan ang mga damit ng ilang minuto, 10:15, nakatitig pa rin, 10:20 may hawak ng damit, nailabas na, 10:30 bibitawan sa kama may makikita ulit na damit na ilalabas, 10:35 may panibagong damit na ilalabas, 10:40 may mas magandang makikita at ilalabas. 10:50 finally! nakapili na ng isusuot, hitsura ng kama parang dinaanan ng bagyo, ang closet hinalukay ng sobra. DESTINATION? Sa market, mamamalengke =))


LISTS
- Mahilig ako sa mga lists. Pag mamalengke, bago umalis ng bahay gumagawa ako ng listahan ng dapat bilhin kapag nasa labas na ko, wala na yung listahan ko di ko na makita. Mga to-do lists sa bahay, matapos kong isulat, ididikit ko sa may pintuan ng kwarto, pag gising ko kinabukasan, makita ko, tatamarin ako.. "bukas na lang". Mga to-do lists sa buhay. Sa sampung to-do lists ko, 2 lang ang natatapos at nakukumpleto ko. Hmmmm makagawa nga ng listahan ng bibigyan ko ng regalo sa pasko hihihihi...




Walang koneksyon ang photo sa post o saken. Nakita ko lang bigla sa isang tumblr post, nakyutan ako kaya nilagay ko dito, i don't wanna flood my FB kaya dito na lang. (explanation much!)