Wednesday, November 16, 2011

Prayers Answered

Nung bata ako, tinuruan ako na magdasal bago matulog at pag gising sa umaga. Sagrado katoliko ung pamilya ng nanay ko. Kapag umuuwi ako sa probinsya tuwing bakasyon, andyan ang angelus ng 12nn at 6pm. Ang Saturday evening at Sunday mass. Hindi pa kasama ang mga novenas. Walking distance lang kase ang simbahan sa bahay ng mga lola ko sa province. At dahil sa mga lolas ang kasama ko sa bahay, wala akong choice kundi ang sumunod. Sa bahay, sa totoong bahay naming kasama ang magulang ko, hindi gaano napapansin ang mga angelus at novenas pero inoobliga ako ng nanay ko na amgsimba tuwing lingo at magdasal bago matulog. Mga dasal ko? Nung batang-bata ako, the usual na angel of guard, my guardian dear… nung elementary years, naglevel up sa Our Father, Hail Marys and Glory Bes ang mga dasal ko. Lahat ng pinasukan kong school mula preschool hanggang college puro Catholic schools. Tinuturuan ng iba’t-ibang klase ng dasal para sa iba’t-ibang klase ng sitwasyon. One form of prayer and praising God daw ang singing praises. And since mahilig ako sa musika, I was into glee club mula elementary and highschool. Natututo ng iba’t-ibang mga awit tungkol sa Diyos. College, nawala ako sa choir/glee club, nagbago ang interest, hindi na rin ako nagsisimba tuwing lingo. I was away from my family nung college years kaya wala ng mangungulit or magagalit kapag hindi nakakasimba. Walang nagsesermon sa tuwing makakalimot magdasal paggising sa umaga. I was living my life the way I think it should be and the way I thought I wanted it to be. Living without prayers, living without faith. Naalala ko after college, nakakapagsimba na lang ako kapag nakakaattend ng kasal, binyag at kung anu-ano pa na may church activity/involvement. Kapag nakakasimba, I wasn’t really paying attention. Ligawin ang isip ko, maligalig.

At some point, I was aware that I stopped believing.  I started “sinning” (meron nga bang salitang ganyan?) I started lying, not to other people but to myself. Confused? No. Crazy? Definitely hindi. So, what the hell happened? What was the reason? IDK. I just knew and felt that I don’t have the capacity to believe in something I haven’t seen. I don’t have the ability to put my trust into my own faith. Faith. What is Faith? Ang alam ko lang na faith eh pangalan to ng classmate ko dati. Si Faith na matalino, mabait, friendly. Larawan ng isang mabuting Kristiyano. (lol) But seriously, What is Faith? I could go on and list several meanings of faith pero it wouldn’t mean that much kase alam naman nating lahat na ginugel ko lang ang ibig sabihin nun. But if you would ask me, to define it in my own words depending on my belief, then you wouldn’t be able to get any answer from me. Wala akong mabibigay na sagot dahil wala akong pinaniniwalaan.

Do I believe in God? Yes and No. Don’t try to ask me why cos I wouldn’t answer. Do I still pray? If you mean the traditional Our Fathers and others, NO, I don’t. Pero ung simpleng pakikipagusap ng isipan ko sa kung sino mang Higher Forces, then YES, I still pray. Maraming nagsasabi or nakapagsabi na sa akin na kaya daw nagkakandaleche-leche ang buhay ko (mga mismong salitang ginamit nila lol) is because I lack faith. Salat daw ako sa paniniwala/pananalig sa Kanya. Kaya daw hindi ako pinagpapala. No offense sa mga taong relihiyosong tunay. Hindi ang simpleng dasal ang sagot sa lahat ng problema sa mundo. Sa dami ng mga nagsisimba at nagdadasal araw-araw, sa Pilipinas pa lang, bakit hanggang ngayon baluktot pa rin ang sistema ng bansa? Sa dinami-dami ng mga nagdadasal, bakit marami pa ring mga batang palaboy, walang bahay, walang makain, walang kinabukasan?

Gusto ko ng malaking bahay, magarang kotse, magandang trabaho. Magdadasal ako. Bukas ba pag gising ko, meron na lahat ng gusto ko? Gusto kong maging Masaya, ipagdadasal ko na bukas magiging Masaya na ko. Naniniwala ako! I have faith in my faith. I have faith in my prayers. Pag gising ko bukas, kusang lalapit si happiness at happily ever after na ko.  Gusto ko ng bagong cellphone, magdadasal ako. Does it work that way? Does faith work that way? Sabi nila you just have to believe, you just have to have faith and everything will be as it should be. Ano ba ang dapat?

I know I’ve lost my faith. Faith in what? I don’t know. I’ve yet to discover. But losing faith doesn’t mean you have to stop living your life. I am living mine right now…. Its just funny kase with the way I live it, it doesn’t seem as if I’m really living it.. magulo? Hindi naman. For some, siguro malabo tong sinasabi ko. I’m just sayin… ano nga ba ang point ko? Faith isn’t something na tinutulak sa atin. Hindi ito isang bagay na ipinapabili sa atin sa tindahan para magamit natin. Its something that we get out of the life were living. 

I’m just glad I wasn’t named Faith by my parents, otherwise, magiging isa akong mantsa sa mga mabubuting taong pinangalanang Faith….


5 comments:

  1. What about faith in yourself? or faith in love? Faith in relationships? I am really hoping you have not thrashed it yet, the idea of believing in love and the long lasting relationships.

    Where were you?

    A

    ReplyDelete
  2. whew! ang tagl mong nwla lira! sn ka ba nagsususuot? tapos pgblik mo, ang heavy ng topic ng blogpost mo. bka nmn akla mo lang ng wla kang pnaniwlaan, pede kc na dhil s mga mbbgat n pngyayari s buhay ntin nrrmdaman ntin n wla na taung paniniwala, wla taung ibng kinakapitan.

    ReplyDelete
  3. I do believe in God, I just don't believe that the things we wanted or that the things that are happening in our lives are results of what we have been praying for. I don't go to church every Sunday and I seldom pray, but I know I have faith and that I believe in Him. I know I have my faith. And somehow, someway that dimmed as it may be faith of mine has kept me going. I hope you find yours soon and when you do, hold on to it. :-)

    ReplyDelete
  4. Gusto ko ng malaking bahay, magarang kotse, magandang trabaho. Magdadasal ako. Bukas ba pag gising ko, meron na lahat ng gusto ko?

    ang faith ay hindi magic. tinutulungan tayo ng faith para makamtan ang mga bagay na gusto natin. paniniwalang kayang nating maabot ang mga bagay na gusto nating makamtan. it's a force that pushes us to move.
    *****
    ako, naniniwala akong ang pagdarasal ay wala sa mga saulado nating mga panalangin. wala yun sa kung ano ang itinuro sa atin sa paaralan. ang pagdarasal, dapat taos puso. sabihin mo kung anong sinasabi ng puso mo, ng loob mo. that's genuine prayer.
    *****
    dumating na rin ako sa point na i stopped praying. dati paggising ko sa umaga at bago matulog, nagdarasal ako, nagpapasalamat. ngayon wala na. but i never stopped believing. Ikaw, alam mo sa sarili mo na you didn't stop believing either. you just started doubting kung nakikinig ba sya o hindi, pero alam mo sa sarili mong naniniwala ka paring tutulungan ka nya. db?
    *****
    minsan sa sobrang dami nating pinagdadaanan sa buhay na masasakit, hindi natin maiiwasan na magtanong, kung bakit parang hindi naman talaga totoo ang Diyos, kung ano ba ang silbi ng faith, at kung ano pa ang kahalagahan ng dasal.

    faith is trust. faith is hope. faith is belief. be positive.

    RB

    ReplyDelete
  5. faith and prayer is a whore people screw over and over again to gain some form of comfort from the all the worries and fear that uncertainty offers.

    the shortest road to attaining meaning minus all the hassles of knowing and understanding.

    PRO

    ReplyDelete