Sa istasyon ng tren. Lahat nasa anyo ng pagmamadali, mapa-umaga, hapon o gabi. Everybody's rushing.. Everyone's moving. Moving fast. You're left behind. Naupo ka sa upuang itinalaga para sa mga naghihintay ng tren. Naubos ang mga tao, umandar na palayo ang tren, naiwan ka.. nag-iisa. Nagdatingan na naman ang mga tao, different set of people na maghihintay kasama mo sa susunod na tren.. dumarami sila, nagmamadali. Tingin ng tingin sa relo, nagpapaypay, nagpupunas ng pawis. Lahat aligaga sa paghihintay sa pagdating ng sasakyang magsasalba sa kanila sa pagka-late sa kung saan mang lakad nila. Dumating ang tren. Nagsipagsakayan ang mga tao. Sumarado ang pinto. Umandar ulit ang tren. Naiwan ka na naman. Tumayo ka mula sa kinauupuan mo. Tumingin sa paligid. Tinitigan ang digital clock ng istasyon ng tren. Naisip mo maaga pa. May oras pa.
Anong hinihintay mo?
Ang susunod na tren. Yung maluwag.
Walang dadaang tren na maluwag. Nasa gitnang istasyon ka sa buong ruta. Inaasahan mong may darating na sobra ang luwag na makakaupo ka? Nag-aaksaya ka ng oras. Ilang daang tao ang sumasakay ng tren araw-araw. Lahat me kanya-lanyang lakad, lahat me kanya-kanyang agam-agam sa buhay. Pero hindi ibig sabihin na lahat ng mga taong sumasakay sa tren eh katulad mong me hinihintay.
Hindi tren ang hinihintay mo. Pupusta ko ang buhay ko. Hindi ang pagdating ng isang tren na maluwag ang hinihintay mo. Mauubos ang oras sa buong maghapon sa pag-upo sa istasyon, sa pagmamasid sa mga taong nagkakandarapa sa paghabol sa tren, sa pagtingin sa digital clock, sa pagbibilang ng kung ilang taong nakacheckered na polo ang ang daraan sa harapan... magiging hapon ang umaga hanggang sa umabot sa gabi, pero hindi darating ang hinihintay mo.
Nasubukan mo na bang tanungin sa sarili mo kung ano o sino talaga ang hinihintay mo? Napag-isipan mo na kung may halaga ba ang paghihintay na ginagawa mo? Nagmumukha ka ng tanga, wala ka namang napapala. Subukan mong mag-apply na empleyado sa train station na tinatambayan mo, mag janitor ka! Ikaw ang magbukas at magsarado ng gate ng MRT/LRT. Posibleng gawin mo yan pero pupusta pa rin ako na HINDI darating ang hinihintay mo.
Bakit?
Dahil naghihintay ka sa WALA....
Ilang tren na ba ang lumagpas sayo? Ilang tren na ang hinayaan mong lagpasan ka? Pinatigil ba ng digital clock sa istasyon ng tren ang mundo mo?
Subukan mo minsang tumayo at makipagsiksikan papasok sa loob ng tren. Subukan mong pausarin ang mundo mo. Wag mong hayaang habang buhay kang maghintay sa isang bagay na walang posibilidad na mangyari. What are the chances that you'll end up having what you want? Nil. Zero. Zilch. Nada. Walk away. Mag jeep ka na lang.. :)
***larawan mula kay Google***
sabi nila, good things come to those who wait. hanggang kelan nga ba applicable yon? hanggang kelan mo sasabihin na naghihintay ka sa wala? life is full of surprises. You'll never know.
ReplyDeleteAng mahirap lang kase sa paghihintay, hindi natin palawakin ang options. Naghihintay ka sa kung sino mang hinihintay mo pero dapat ba talagang sa train station lang? sa dinami dami ng tao sa kamaynilaan, wala pa atang 1/3 jan ang araw araw na nagpaparoo't parito sa tren. yung iba, nasa bus at fx. it's never too late.
rb
Nice one....isa
ReplyDelete