Saturday, February 18, 2012

I'm Getting Married Yesterday!!!

Weddings are....


Weddings make me.....




I usually hate weddings. Tipong bitterness to the core ung wedding-weddings na yan.. Something I can't have. Pero kung gano ko kabitter sa mga weddings, ganun din naman ako kabenta na maging bridesmaids nila. Kahit na sino. Kahit na di ko gaano ka-close eh nakukuha pa kong abay sa kasal nila ewan ko ba kung bakit. Minsan nga feeling ko kahit na mapadaan lang ako sa isang lugar na pinag uusapan na ang kasal eh makukuha at makukuha akong abay. Hayssss "always the bridesmaid, never the bride" ang drama.Last year lang eh almost 7x akong nagbridesmaid sa kasal ng kung sino-sino. Wag mo na itanong kung bakit almost, wala akong balak sagutin.  Oh weh anu naman ngayon?  Wala lang. Eh di pakasal na lahat ng tao sa buong mundo. At maiwan akong mag-isa. Yes, forever alone. I'll forever hold my own hand. Chos. Enough of the bitterment echos.


The past few days, napakaraming wedding achuchuchu ang meron all around me. Andyang merong  nagtatanong saken ng magandang motif daw, kung san maganda i-held ung reception nila, andyan din ung meron akong kamaganakan na magcecelebrate ng 25th wedding anniversary nila at gustong ikasal ulet, gusto nilang mangealam ako ng bonggacious sa preparations nila. Sila na ang madatung na gagastos ng limpak-limpak na peyses para dun habang ako, ako na salat at naghihikahos eh hindi nila matulungan. Char. (buti na lang nakatago tong blog na to sa mga relativities) At meron din akong mga nababalitaan na mga classmates from Highschool at college na finally after how many years of existence ng pagiging sila eh finally decided to tie the knot. 


Meron akong nakita na pikshur ng kakilala ko taken from a rooftop somewhere-i-dont-know. Nasabi kong rooftop kase gabi un tas makikita mo may mga lights-lights all around them. Tapos makikita mo rin parang may barandilya usually sa mga rooftop, o tapos un nga, andun sila, may pikshur, tas may kumikinang sa fingerloo ng girly. Tapos makikita mo ung mga sangkaterbang likes saka mga comments na kumu-kongratsumeleyshens. Ang syala ng kinang mo teh! Isa lang ang ibig sabihin nun diba? 


So, anong meron? Wala lang naman. Siguro napunta ko bigla dun sa point na nagwa-want na rin ako ng ganung bagay. I wanted a fairy tale wedding. Tipong gusto kong suungin ung stress ng pamimili ng food para sa reception, pag-isip ng magandang concept, pagtry ng gowns, pakikipag argue sa kung sino dapat at kung sino ang hindi dapat mailagay sa guest list, kung sinong magiging maid of honor, ilang flower girls dapat, anong flowers ang gagamitin sa bouquet... mga ganyan... in short, I wanna get married na rin! Di ko alam kung gusto ko talaga ung totoong konsepto ng kasal, o gusto ko lang just the wedding itself, basta ang alam ko right now, Gusto kong ikasal ako---gusto kong makasal..


Pero siguro bago ko muna isipin at pangarapin na ikakasal ako, siguro dapat maghanap muna ko ng taong magpapakasal at sasagot sa gastos ng kasalang inaasam ko. hahahaha btw, meron na kong naisip na wedding song ko. Nyahahahahahahaha.

2 comments:

  1. ay naku lira lol wala na kong wish na ganyan :)) gudlak sa pangarap mo lol

    ReplyDelete
  2. I want to get married, too! :)

    ReplyDelete