“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magigig maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig saw ala. O di iibig kailanman.”
Tumingin ka sa palibot, sa mga kaibigan mo, kaopisina..Ilan sa kanila ang tunay na Masaya?
Relative naman ang pagiging Masaya.
Excuse ng malungkot.
Ang iba’y iibig sa ,aling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya nabuhay nuong 1930s, isang rebelled laban sa mga Amerikano, matagal nang namatay.Kaya she keeps falling inlove sa lalaking mas matanda sa kanya, hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabila ng building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man sya ng boyfriend nya kung ano yung lagi niyang tinitingnan sa kabila ay di nya masasagot. At kailanman ay di na nya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, ay din a niya malalaman kung sino nga ba yung nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamng dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang tutong hindi nya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang magkahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag-ibig ay napupundi dahil ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong sa tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig at meron naming hindi makalipad Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan.
Merong pag umiibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Pero merong isa sa lima, harangan mo man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
Fate?
*Para Kay B - Ricky Lee*
Photocredit: Google
sinasbi mo bng hindi para sa lahat ng tao ang kaligayahang dulot ng tunay at wagas na pag-ibig? di yata ako agree. wala naman quota-quota ang pag-ibig eh.
ReplyDelete