Sunday, October 09, 2011

Untitled 02

Gusto kong maging writer. Gumawa ng script, mag imbento ng mga tauhan. Mga karakter sa isang kwentong pwede kong bigyan ng buhay. Tunay na buhay. Gusto kong gumawa ng buhay out of the life I have right now. Gusto kong magkaron ng magic wand na pwede kong iwasiwas sa mga tauhang magagawa ko out of pagsusulat para mabigyan sila ng tunay na buhay. Magkaron ng simula at ending ang mga karakter. Happy ending? Hindi. Naniniwala naman kasi ako na hindi happy ending ang lahat. Fairy tales doesn’t exist in real life. Tragedy? Pwede. Ang buhay ay puno ng mga fortunate and unfortunate incidents, na ang iba ay nagreresulta sa trahedya. May kakilala ko, gusto nya ng delubyo. Gusto nya ng may bagyo, ung bumabaha, ung mga sitwasyon na hindi normal sa pang araw-araw. Sa papaanong paraan nya gusto? Hindi malinaw sa akin. Pero minsan nabanggit nya na kapag daw kasi sa mga ganung sitwasyon, nagkakaroon ng pagkakataon na tipong tumitigil ang mga tao to really talk to each other. (tama nga ba ang pagkakaalala ko?) Naisip ko naman, kakailanganin pa ba ng unfortunate incidents, ng mga accidents, ng mga casualties, ng mga tragedies para lang mag usap ang mga tao? Kakaiba.

Gusto kong mag-isip tulad ng pag-iisip nya. Gusto kong maabot ang level of understanding na meron sya. Gusto kong maarok ang mga prinsipyo at ideals niya. Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong maging writer para maisatitik ko kung ano ang gusto niyang iparating. Kung ano ang gusto nyang maintindihan ko. Gusto kong maging isang mahusay na manunulat para maisulat ko ang mga sinasabi niya, para mabigyan ko ng kulay ang mga salita nya. Hindi ko kailangang maging isang pintor para makulayan ang bawat salitang namumutawi sa kanyang mga labi.

Gusto kong makita ang mga bagay na nakikita niya. Gusto kong Makita ang mga ito sa kung paanong nakikita ng kanyang mga mata. Gusto kong maliwanagan sa mga bagay na para sa kanya ay madali lamang intindihin.

Pero kailanman ay hindi ko gugustuhing maging siya.

Hindi siya writer. Hindi siya pintor. Hindi rin sya fairy god mother na may magic wand. Wala syang kakayanang baguhin kung ano ang nakatakda. Wala syang abilidad na kulayan ang mga bagay na sadyang walang kulay. Hindi niya kayang magsulat ng mga bagay-bagay sa labas ng paniniwala niya.
Hindi siya isang karakter sa mga kwento na gusto kong buuin. Hindi siya tauhan sa isang short story na nabuo ng isip ko. Hindi siya kasali dun sa buhay na gusto kong buuin out of the life I have right at this very moment.

Siya lang naman ung taong gusto ko.

Gusto ko sya. No questions asked. No explanations offered.  

Ikaw, alam mo ba ang gusto mo?

6 comments:

  1. mbuti at alam mo ang gusto mo lira, mas maganda sna kung alam dn ng taong gusto mo na gusto ka nya. alam ba nya? mas rewarding at mas masaya sa pakirmdm kung ganun diba?

    ReplyDelete
  2. gusto ko ring maging isang writer pero hindi para makita ang mga bagay bagay sa paraan na nakikita nya. hindi para maisa-letra ang mga bagay na sinasabi nya o mabigyan ng kahulugan ang kanyang mga nararamdaman. gusto kong maging isang magaling na writer para maipakita at mailarawan sa kanya kung paano ko nakikita ang mundo kung saan naroroon sya... gusto kong maghabi ng magagandang salita, paglaruan ang pangungusap upang maipahayag ko ang nararamdaman ko sa tuwing nariyan sya. gusto kong makita nya ang mga bagay na nakikita ko sa kanya, sa paligid nya. maramdaman nya ang nararamdaman ko sa tuwing malapit sya sa akin.

    gusto ko ring maging magaling na writer.

    RB

    ReplyDelete
  3. give n take poh kea. what if u let him see things the way u see them and in return he'll let u see his din. in that way poh, u hav 2 options. kaze naisp q poh, possible n hndi mu poh mgstuhan un mga things n mkita mo in his way, panu na poh un? para sna may fall back if evr.

    >pakelamerang fr0g<

    ReplyDelete
  4. hindi din naman masamang umasa na may fairy tales sa tunay na buhay diba sis? kanya-kanya lang naman yan. hehehe naisip ko lang na pwede rin naman may happy ending ikaw pero ako hindi. iba-iba ang tao pati na rin ang mga nakatadhana sa kanila. panira lang hehehe nasabi mo na ba sa taong gusto mo na gusto mo siya? ipaalam mo kaya, malay mo the feeling is mutual, at yan na pala ang fairy tale mo :P

    ReplyDelete
  5. @ Gomer
    pwedeng paki-klaro m recto? hindi ko nagets.. mejo malabo ung sinabi mo hahaha joke lang.. nagets ko naman..

    @walter
    teka ha.. testing lang.. try kong ilagay dito ung naiisip kong gusto mo..
    -DSLR
    -european tour
    - bagong kubo
    -HTC
    ano pa ba? =))=))

    @RB
    magaling ka kayang writer.. may did you know fact ka pa kanina diba? ikaw ang living proof nun na truelagen ung sinabi nung did u know echos mo :P

    @pakelamerang frog
    dahu ka ba talaga?
    ung comment mo talaga ang hindi ko makuha ang idea. its like youre saying two different things na hindi magkakonekta..

    @anonymous
    malay ko.. malay mo.. malay nating lahat... malaysia! :)):))

    ReplyDelete