Wednesday, October 05, 2011

Will You Hold My Hand?

Sabi ko dati, "I just wanted someone to hold my hand." Sa mga panahong nakakaramdam ako ng panglaw at pag-iisa. Sabi ko, yun lang naman yun, I wasn't asking for too much naman. Akala ko nuon simpleng bagay lang yung hinihiling ko at ikinapagtatampo ko ng sobra dahil simple na nga lang hindi ko pa makuha agad. Hindi pala. I was wrong in thinking na simpleng bagay lang yung hinihingi ko. I was asking for something much much more pa pala. Akala ko nuon madali makuha. Narealize ko sa paglipas ng panahon na the things you wanted the most are the hardest or most difficult to achieve. Why? Siguro kase hindi para sayo ung bagay na minimithi mo. Or baka hindi pa rin panahon para makuha mo ito. Pero, kung hindi pa ngayon ang panahon, when is the right time? When is the right time para lumigaya ka? May oras ba talaga ang kaligayan ng tao? Kung hindi mo makuha agad o sa ngayon ung mga bagay na alam mong makakapagpasaya sayo, hindi ka na ba liligaya? Hindi. Anytime pwede ka maging masaya. You just have to look around you to realize na you can be happy with whatever it is you have now, regardless kung magkatotoo ung mga bagay na wini-wish mo. These are just secondary. The things you thought u need and want to make yourself happy? Secondary lang yan, kase ang pangunahin na makakapagpaligaya sa isang tao ay ung mga bagay na existing right at the very moment of hoping or wishing for somethin else which you thought will make you happy.

Sa paghihintay kong dumating ung tao na hahawak sa kamay ko sa mga panahong kailangan ko ng kasama-karamay, nabuhay ako sa isiping, hindi ako magiging maligaya ng mag-isa. Umikot ako sa paniniwala na ang kaligayan ko ay nakadepende whether or not I get to find someone who's willing to hold my hand no matter what. Paano kung hindi dumating? Habang buhay ako malulungkot kase yun ang iniisip kong ultimate happiness ko? Taning. Naalala ko dati na tinaningan ko pa ang sarili ko. Umabot yang kalokohang yan hanggang sa dumating ang kalahati ng taong kasalukuyan. I told myself and people around me that when I reached 28 at single pa rin ako, I'll resign myself to being single forever. Forever Alone. Isang malaking kalokohan. Wala naman kaseng nakatakdang schedule ng panahon o edad ang pagkakaroon ng kasama sa buhay. Nangyayari yun o dumadating un when we least expect it. In less than 24hours, I'll be on my 28th years of existence sa mundong ginagalawan ko, I am still single. There are times when I feel sad about being single, about being alone, normal naman kase yata yung makaramdam ng ganun pagkapaminsan-minsan. Tao lang eh. Ang importante, you still or managed to get up each day trying to plaster that smile in your face at isiping, I am not really alone and that I can be happy kung pipiliin kong maging masaya may kasama man o wala. Pwede ko namang hawakan ang sarili kong mga kamay pansamantala....

"Happiness is a choice!"
Color your world with colorful happiness which you can find around you.

PhotoCredit: Google

5 comments:

  1. choose happiness :P
    letcheng love yan haha,,bitter lang ako these days
    kaya gusto kong maging single ng 1 taon haha,,,ASA!!
    wag kang mag-alala may darating na tamang tao na makakasama mo habang buhay...
    antayin nlng,,,pero paano after 20 years d pa dumating????LUMANDI nalang hahahaha...

    pero gaya nga ng sinasabi ko sa sarili ko
    pag yayaman ako DI N AKO MAG-AASAWA harhar....
    yun nalang gawin natin
    para pag yumaman na tau....bumili nalang tau ng lalake hahahahah....
    sama ko lang~~

    ReplyDelete
  2. Too young to think na "forever alone" ang destiny mo sis... Aq i worry b4 sa thought na may magse2ryoso ba na guy sakin? coz all i had in the past were bad relationship.... mga manlo2ko at mapaglaro... But sis nung nagkasakit aq, I realized, ang babaw ng mga yun compared sa thought na "will GOD allow me to wake up the next day?" kya sabi ko na lng sa sarili ko ngaun, makasurvive lng aq with this sruggle I am having... I promise to embrace life, mag-isa man aq o may kasama :D and u should to sis... like what u said.. "happiness is a choice"

    ReplyDelete
  3. Malay mo naman Lira hindi mo tlg kailangan ng taong hahawak ng kamay mo para maging msaya ka :)
    Ngiti lang ang katapat nyan saka ung satisfaction sa buhay mo at appreciation sa mga bagay n nsa pligid mo.

    Advance Happy birthday Lira!

    ReplyDelete
  4. Advance hapy bday poh ms. Lira!
    Naway dumami pa ang lahi mo he he he este dumami pa ang mga biyayang matanggap mo.

    >pakelamerang fr0g<

    ReplyDelete
  5. Happy Birthday!

    Hope you'll find your happiness soon!

    I miss you!
    Mwuah!

    Laurice

    ReplyDelete