Thursday, October 13, 2011

Yung Akala Mo Yun Na Yun

Yung akala mo okay ka, hindi pa naman pala.


Yung akala mo ayos na lahat kase lumalabas ka, tumatawa ka, nakikipaginuman ka, sumasama-sama ka na sa iba, yun pala hindi naman.


Yung akala mo okay ka na kase ngayon hindi ka masyadong nag-iisip at nalulungkot, pero pag dumilim at at tumahimik na ang paligid, bigla kang aatakehin ng lumbay, hindi eh.. hindi ka pa okay.


Yung akala mo ayos ka na kase tipong looking forward ka sa mga lakad na magaganap sa mga susunod na araw/linggo/buwan, pero at the end of the day, iniisip mo pa rin na sana ganito-ganyan..


Yung mga moments na akala mo maayos at "matino" ka na kase ung ibang mga bagay na ginagawa mo nung mga panahong hindi ka ayos eh nagagawa mo na ulit, pero hindi mo naman pala sila ginagawa dahil gusto mo, ginagawa mo lang "just to let time pass", ginagawa mo lang para mapunan ung napakahabang empty spaces in between sa pang araw-araw na buhay mo.


Yung pag-aakala mo na kaya mong lokohin ang sarili mo sa pagpe-pretend na ayos ka lang, na kaya mo, na tapos na, na naka "move on" ka na (when there is no such thing as moving on only moving forward), yung sa sarili mo mismo alam mo na nagsisinungaling ka...


Yun, yun eh! Sampal sa katinuan mo! Panggising sa karuwagan mo na harapin kung ano man ung mga bagay na iniiwasan mo kaya ka nag-aakala...


FYI.. hindi ako yan.. ruma-random lang mula sa sala-salabat na kwento ng mga tao sa paligid. (defensive much?!) 

3 comments:

  1. sabi nla jan daw magling ang tao sa pagbabalat kayo na ayos tayo at masaya.

    ReplyDelete
  2. malimit din ako ganyan. mas madali kasi magsinungaling sa sarili. kpg namaster mo na ung pagsisinungaling sa sarili mo, mas madali mapapaniwala un ibang tao, walang tanong, di ka na obligated magkwento at magpaliwanag

    ReplyDelete
  3. naks naman, mina master pa pala un amfp.... madaming madali sa mundo, pero sino ba nagpauso na dapat kang me mapaniwalang iba?... parang ang punto ata eh mapaniwala mo un sarili mo, hindi un malinlang mo un pagkatao mo...nakteteng.

    ReplyDelete