Tuesday, October 11, 2011

Random 02

  • Third day ko na ng pagkain ng iba't-ibang klase ng pasta. One more day and magmumuka na kong noodle house I swear
  • Sabi nung co-parent ko sa school kanina, "hala! buntis na naman ako!" it took me several seconds to reply, kase nalito ako whether to answer, "ah talaga? wow naman" or "hmm ganun? pano yan?" then I realized hindi naman kami close, tas feeling ko naghahanap lang sya ng mapapagsabihan, masabi lang ba, so I answered  "uy, another blessing! ayos yan."
  • Had brunch with an old friend. (ex manliligaw actually)
  • I might be having friends from Manila over the weekend (MpJin)
  • May mga taong ginagawang teleserye yung buhay ko. Masyado silang nag eenjoy na subaybayan ang ang mga pangyayari saken. Para silang balita sa GMA 7, nakatutok 24 oras. Nakakaloka. 
  • "Alam mo wala kang karapatang sabihing hindi ako masaya, hindi mo naman kase alam ang pakiramdam ng pagiging masaya ko, hindi mo rin alam kung anong ikinasasaya ko, iba't-iba ang ibig sabihin ng masaya para sa iba't-ibang tao, kaya kung wala kang magandang sasabihin na makakadagdag sa ikagaganda ng ekonomiya ng Pilipinas, I suggest you just keep your thoughts to yourself, S.T.F.U.!" (hindi ako galet)
  • Unti-unti ng nabubuo ang Sagada plans.. Im soooo heksaytment! may mga bagong makakasama sa sagada trip. ahihihihi mas ang heksaytment level! Yey!
  • I hate cross stitch. Isa sa pinakanakakatamad na gawain. Nung highschool pinagproject kame nyan, pinagawa ko sa iba =))
  • I fall a little harder everytime we talk.
                                   

Sunday, October 09, 2011

Untitled 02

Gusto kong maging writer. Gumawa ng script, mag imbento ng mga tauhan. Mga karakter sa isang kwentong pwede kong bigyan ng buhay. Tunay na buhay. Gusto kong gumawa ng buhay out of the life I have right now. Gusto kong magkaron ng magic wand na pwede kong iwasiwas sa mga tauhang magagawa ko out of pagsusulat para mabigyan sila ng tunay na buhay. Magkaron ng simula at ending ang mga karakter. Happy ending? Hindi. Naniniwala naman kasi ako na hindi happy ending ang lahat. Fairy tales doesn’t exist in real life. Tragedy? Pwede. Ang buhay ay puno ng mga fortunate and unfortunate incidents, na ang iba ay nagreresulta sa trahedya. May kakilala ko, gusto nya ng delubyo. Gusto nya ng may bagyo, ung bumabaha, ung mga sitwasyon na hindi normal sa pang araw-araw. Sa papaanong paraan nya gusto? Hindi malinaw sa akin. Pero minsan nabanggit nya na kapag daw kasi sa mga ganung sitwasyon, nagkakaroon ng pagkakataon na tipong tumitigil ang mga tao to really talk to each other. (tama nga ba ang pagkakaalala ko?) Naisip ko naman, kakailanganin pa ba ng unfortunate incidents, ng mga accidents, ng mga casualties, ng mga tragedies para lang mag usap ang mga tao? Kakaiba.

Gusto kong mag-isip tulad ng pag-iisip nya. Gusto kong maabot ang level of understanding na meron sya. Gusto kong maarok ang mga prinsipyo at ideals niya. Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong maging writer para maisatitik ko kung ano ang gusto niyang iparating. Kung ano ang gusto nyang maintindihan ko. Gusto kong maging isang mahusay na manunulat para maisulat ko ang mga sinasabi niya, para mabigyan ko ng kulay ang mga salita nya. Hindi ko kailangang maging isang pintor para makulayan ang bawat salitang namumutawi sa kanyang mga labi.

Gusto kong makita ang mga bagay na nakikita niya. Gusto kong Makita ang mga ito sa kung paanong nakikita ng kanyang mga mata. Gusto kong maliwanagan sa mga bagay na para sa kanya ay madali lamang intindihin.

Pero kailanman ay hindi ko gugustuhing maging siya.

Hindi siya writer. Hindi siya pintor. Hindi rin sya fairy god mother na may magic wand. Wala syang kakayanang baguhin kung ano ang nakatakda. Wala syang abilidad na kulayan ang mga bagay na sadyang walang kulay. Hindi niya kayang magsulat ng mga bagay-bagay sa labas ng paniniwala niya.
Hindi siya isang karakter sa mga kwento na gusto kong buuin. Hindi siya tauhan sa isang short story na nabuo ng isip ko. Hindi siya kasali dun sa buhay na gusto kong buuin out of the life I have right at this very moment.

Siya lang naman ung taong gusto ko.

Gusto ko sya. No questions asked. No explanations offered.  

Ikaw, alam mo ba ang gusto mo?

Friday, October 07, 2011

Quota Na Pag-ibig

“Me  quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magigig maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig saw ala. O di iibig kailanman.”



Tumingin ka sa palibot, sa mga kaibigan mo, kaopisina..Ilan sa kanila ang tunay na Masaya?

Relative naman ang pagiging Masaya.

Excuse ng malungkot.

Ang iba’y iibig sa ,aling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya nabuhay nuong 1930s, isang rebelled laban sa mga Amerikano, matagal nang namatay.Kaya she keeps falling inlove sa lalaking mas matanda sa kanya, hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.

May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabila ng building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man sya ng boyfriend nya kung ano yung lagi niyang tinitingnan sa kabila ay di nya masasagot. At kailanman ay di na nya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, ay din a niya malalaman kung sino nga ba yung nasa kabila.

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamng dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang tutong hindi nya mahanap ay ang kanyang sarili.

Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang magkahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.

Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag-ibig ay napupundi dahil ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong sa tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig at meron naming hindi makalipad Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. 
Merong pag umiibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Pero merong isa sa lima, harangan mo man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.

Fate?


*Para Kay B - Ricky Lee*
Photocredit: Google

Thursday, October 06, 2011

28 Untitled





Une autre annee pour vivre, une autre chance de faire les choses interessantes. Etre sage ne vient pas avec l'age, il est determine par combien de personne essaie de mener leurs vies. Son comment vous menez votre vie. J'ai vecu le mien et en vivrai certains plus. Une autre annee, une autre vie, une autre chance...Bon anniversaire a moi


Wednesday, October 05, 2011

Will You Hold My Hand?

Sabi ko dati, "I just wanted someone to hold my hand." Sa mga panahong nakakaramdam ako ng panglaw at pag-iisa. Sabi ko, yun lang naman yun, I wasn't asking for too much naman. Akala ko nuon simpleng bagay lang yung hinihiling ko at ikinapagtatampo ko ng sobra dahil simple na nga lang hindi ko pa makuha agad. Hindi pala. I was wrong in thinking na simpleng bagay lang yung hinihingi ko. I was asking for something much much more pa pala. Akala ko nuon madali makuha. Narealize ko sa paglipas ng panahon na the things you wanted the most are the hardest or most difficult to achieve. Why? Siguro kase hindi para sayo ung bagay na minimithi mo. Or baka hindi pa rin panahon para makuha mo ito. Pero, kung hindi pa ngayon ang panahon, when is the right time? When is the right time para lumigaya ka? May oras ba talaga ang kaligayan ng tao? Kung hindi mo makuha agad o sa ngayon ung mga bagay na alam mong makakapagpasaya sayo, hindi ka na ba liligaya? Hindi. Anytime pwede ka maging masaya. You just have to look around you to realize na you can be happy with whatever it is you have now, regardless kung magkatotoo ung mga bagay na wini-wish mo. These are just secondary. The things you thought u need and want to make yourself happy? Secondary lang yan, kase ang pangunahin na makakapagpaligaya sa isang tao ay ung mga bagay na existing right at the very moment of hoping or wishing for somethin else which you thought will make you happy.

Sa paghihintay kong dumating ung tao na hahawak sa kamay ko sa mga panahong kailangan ko ng kasama-karamay, nabuhay ako sa isiping, hindi ako magiging maligaya ng mag-isa. Umikot ako sa paniniwala na ang kaligayan ko ay nakadepende whether or not I get to find someone who's willing to hold my hand no matter what. Paano kung hindi dumating? Habang buhay ako malulungkot kase yun ang iniisip kong ultimate happiness ko? Taning. Naalala ko dati na tinaningan ko pa ang sarili ko. Umabot yang kalokohang yan hanggang sa dumating ang kalahati ng taong kasalukuyan. I told myself and people around me that when I reached 28 at single pa rin ako, I'll resign myself to being single forever. Forever Alone. Isang malaking kalokohan. Wala naman kaseng nakatakdang schedule ng panahon o edad ang pagkakaroon ng kasama sa buhay. Nangyayari yun o dumadating un when we least expect it. In less than 24hours, I'll be on my 28th years of existence sa mundong ginagalawan ko, I am still single. There are times when I feel sad about being single, about being alone, normal naman kase yata yung makaramdam ng ganun pagkapaminsan-minsan. Tao lang eh. Ang importante, you still or managed to get up each day trying to plaster that smile in your face at isiping, I am not really alone and that I can be happy kung pipiliin kong maging masaya may kasama man o wala. Pwede ko namang hawakan ang sarili kong mga kamay pansamantala....

"Happiness is a choice!"
Color your world with colorful happiness which you can find around you.

PhotoCredit: Google

Tuesday, October 04, 2011

Untitled 01



"Kung di ka na masaya, malaya kang bumitaw, pero eto eh kung sarili mo lang sana ang iisipin mo. Pero kung kumplikado ang bawat hakbang na gagawin mo, mahirap talaga... marami tayong choices sa buhay, madaming tao na dadaan sa buhay natin, maraming mag-ooffer ng saya. Pero walang makakasiguro na hindi nila tayo sasaktan kailan man. Ang tanong lang naman, sino ba sa kanila ang 'worth the pain'?"
-- Kuya A.


Photo Credit: EmilySutherland

Sunday, October 02, 2011

Random 01


Kapag daw nahihirapan na, bumitaw na…


Paano ka naman bibitaw lalo na kung alam mong may umaasa sayo? Sana kapag nahirapan at napagod ka, meron sanang sasalo sayo kahit pansamantala. Tao ka lang eh.. napapagod, nahihirapan, nangangailangan ng pansamantalang kapalit
Hindi lang katawang lupa ang napapagod…mas lalo ang puso…marunong din mapagod, mahirapan at magsawa…..masaktan……….
Hanggang kailan ka kakapit? Hanggang kailan ka lalaban? Hanggang kailan ka susulong? Hanggang kailan?







Ka mag-iisa?




Photocredit: Jessavila