Sunday, September 11, 2011

Anong Chismis?


May tenga ang lupa, may pakpak ang balita.

All time favorite hobby nating mga pinoy ang CHISMIS. It never fails na maging hit sa takilya. Full house kung full house palagi ang mga tambayan lalo at may mga "nag-iinit na balita-slash-tsimis" Box office hit palagi ang tindahan ni Aling Tekla kapag may bagong pagchichismisan. There's a chismosa/chismoso in every one of us. Aminin man natin o hindi, at some point/s in our lives nagiging tsismosa/tsismoso tayo.Eh sa totoo naman kasing nakakatuwa ang paghahabi-habi ng kwento ng kung sino-sinong tao na nakikita natin sa paligid natin. Regardless kung kilala natin tong taong to o hindi.Ang saya kaya kapag nagagawan natin ng kwento ung mga taong walang kamuwang-muwang sa mga pinagsasabi natin tungkol sa kanila. Ansaya nga ba? Di nga?

Kailan nga ba nagiging masaya ang tsismis? Anong napupulot ng mga taong gumagawa ng tsismis? Tunay na satisfaction nga ba? Nakakatulong nga ba ito sa pang-araw-araw na buhay nila? Malamang! Pangtanggal ng pagkabagot sa SSDD (Same Shit Diffferent Day) (salamat Lio sa Acro lol) nila. Kailan ba nagiging kapakipakinabang ang paghabi ng tsismis?

Masarap ang pakiramdam na buhay na buhay ang usapan sa isang tumpukan. Nagtatawanan... Nagpapalitan o nagbabatuhan ng kwento. Mas masaya kapag ang pinagkukwentuhan ay yung taong wala ang presensya sa tumupukan. Pihadong mas maraming tenga ang magiging attentive, makikita mo pa na parang may kanya-kanyang satellite ung mga tenga ng mga yan. Ganyan tayo eh, mas interesado tayo sa buhay ng may buhay. Mas interesante ang dating ng umu-opinyon, huma-haka-haka tayo sa buhay ng iba.

Masaya na may napapagusapan. Pero maiisip mo pa rin bang masaya kapag IKAW na ang pinag-uusapan behind your back? Sa paggawa mo ng tsismis na siguradong kakalat, natuwa ka ng bongga, naging sikat ka.. aba eh, ikaw ang numero unong source ng balita.. Pero kung ikaw na ang maging tampulan ng tsismis, matutuwa ka pa rin ba? O sige, 100% ang pag-akyat ng popularity mo well, depende rin pala yan sa level ng balita na maiuugnay sayo. Pero magiging masaya ka ba gaya ng pagkagalak mo nung ikaw ang nagspread ng rumors about something and someone that doesnt concern you? Tandaan mo, hindi ka bente kwatro oras sa tumpukan sa may tindahan ni Aling Tekla.. hindi ka bente kwatro oras na nakatanghod at nakikinig ng tsismis, for all you know, sa mga panahong absent ka sa CHISMS SESSION, eh ikaw ang topic! 

Maaring nakakapatay ng pagkabagot at nakakapalipas oras ang paghabi-habi ng kwento tungkol sa ibang tao. Pero dapat din nating isipin na, tama ba ang mga ginagawa natin? Kesehodang tama o mali ang mga bali-balita, hindi na natin nararapat pang gatungan at ipasa sa iba. Madalas na dagdag-bawas estilo ang nangyayari sa tsismisan, napapariwara sa katotohanang kwento, may maidudulot ba itong maganda sa taong concern? Bubuti ba ang buhay ng taong involve sa pagkakalat natin ng chismis? Hindi naman diba?  Nasatisfy lang ung ngala-ngala natin sa pagdakdak, nagkalaman ng 1% na kalamnan ung utak natin dahil sa mga infos na nasagap.. infos na hindi naman talaga kinakailangan ng utak natin.

Tandaan mo, kaibigan.. BILOG ANG MUNDO.. kung hindi ka pa pinag-uusapan ngayon.. baka bukas, ikaw na! 

*Do not do unto others what you do not want others to do unto you.*


Huy! alam nyo ba... si ano....  sssssssshhhhhhhhhhh

3 comments:

  1. Bakit nga kaya mahilig tayong mga Pinoy sa chismis? Mapa-babae man o lalaki. Parte na ng kultura yata natin yan.

    I find your blog really amusing. Stumbled upon through google. Will be coming back to read some more.

    Keep writing!

    ReplyDelete
  2. hindi lahat ng pinoy mahilig sa chismis sus, ung kapitbahay namin na nabuntis ng porener tas iniwan sabi nya hindi naman daw eh....tas ung kaibigan ko aba'y me kabit pala na me asawa - alam ko hindi naman machismis un...kaya hindi naman lahat:P

    ReplyDelete