Sunday, September 25, 2011

Lapis At Kinabukasan


‎”ate, balik po kayo ulit ha, thank you po sa bigay nyo, mahirap na po gamitin ung lapis ko ang liit na po, bigay lang po un ni teacher”


Disyembre nang nagdaang taon ng marinig kong mamutawi ang mga salitang yan sa isang pitong taong batang babae. Isa sya sa mga batang binisita namin upang mabigyan ng kaunting ngiti sa pamamagitan ng pamamahagi ng kaunting "blessings" sa isang pampublikong paaralan dito sa Norte. Isa sya sa mga batang tunay na naghihikahos ang pamilya. May 10 mga kapatid, ang tatay ay isang karpintero na mas madalas na walang trabaho habang ang nanay ay suma-sideline sa paglalabada upang kahit paano ay may maihain na pagkain sa mesa nila araw-araw. Araw-araw na naglalakad ang batang ito patungo sa paaralan upang pumasok, naglalakad siya ng may 8-10 kilometro marating lamang ang paraan. Madalas pumasok ng walang baon kundi ang ilang pirasong "notbuk" at pudpod na lapis. 

Hindi ko mapigilang hindi malungkot nang marinig ko yan sa kanya. Kahit pa isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa kanyang batang mukha ng mga oras na yun, alam kong panandalian lamang yun. Ang reyalidad ng pait at hirap ng buhay niya at ng kanyang pamilya ay muling babalik sa kanya matapos ang ilang sandali. Napaisip ako, anong buhay ang naghihintay sa batang ito? Makakatapos kaya siya ng kolehiyo? Magkakatrabaho kaya siya ng maayos? Maiaahon niya kaya sa hirap ang kanyang pamilya? Hanggang saan ang aabutin ng kanyang pudpod na lapis, dalawang pirasong notbuk, upod na tsinelas at sira-sirang payong?

Karapatan ng bawat batang isinilang sa mundo ang magkaron ng magandang kinabukasan. Ang magkaron ng pangalan, magkaroon ng pagkaing makapagpapalaki sa kanila, magkaron ng mga damit na maisusuot, tahanang masisilungan,  lumaking may magandang asal, makapag-aral, lumaki sa malinis at maayos na komunidad, makapaglaro at magsaya, karapatan nilang mabuhay ng walang takot at pangamba. 

Napakaraming bata ang walang kasiguruhan ang kahihinatnan, madaming nagugutom, walang bahay na matutulugan, mga hindi makapag-aral, walang pamilyang nag-aaruga. Mga batang nasa lansangan, nasa bahay ampunan. Mga batang salat sa lahat. Mga batang hindi malaman kung may magandang kinabukasang naghihintay sa kanila. Mga batang napapariwara. Hindi minsang sumagi sa isipan ko ang gumawa ng kahit na anong paraan upang makatulong sa kanila. Hindi ko man sila maabot lahat, maramdaman lamang ng kahit ilan sa mga batang ito na may mga taong handang tumulong in their own little and simple ways. 

Hindi mo kailangang maging isang superhero para maisalba sila sa kahirapan at paghihirap na kasalukuyang dinadanas ng mga inosenteng batang ipinanganak sa mundo ng walang kasiguruhan. Hindi mo kailangang gumawa ng bagay na makakapagbago sa buhay ng mga ito, na makakapagpa-angat sa kinasasadlakan nila. With just a simple touch, a single smile you can make a difference.  A single gesture says it all. You need not show the world what you intend to do. 


To Ms. R.M.A., I know I promised not to write yet about anything, I'm sorry I just cant help it, You know how I feel about these things right now. The excitement level's overwhelming. And I think I just found our perfect venue for the project..  ;))  lab! :*


***larawan mula kay Google***

3 comments:

  1. kung pupwede lang akong sumama para makita ko naman silang magsmile kahit na sandali lang. Kung pupwede lang akong magbalikan mula dito sa ibang bansa papunta sa pilipinas, kung nalalakad lang ang dagat at himpapawid, kung sana ganoon lang kalapit ang isang milya... pipilitin kong makauwi, kapalit ng ngiti ng mga batang mabibigyan ng biyaya.

    nakakalungkot na maraming bata ang hindi nakakaranas ng "normal" na kabataan. nakakasakit ng damdamin din na may mga magulang na hindi iniisip ang kapakanan ng mga bata. nawa'y malayo ang marating ng simpleng lapis at papel na maibabahagi sa mga batang ito.

    -rb

    ReplyDelete
  2. Kpg nakakakita ako ng mga batang palaboy-laboy sa lansangan, talaga namang parang kinukurot ang puso ko. minsan p nga nakukunsensya ko manyapat maayos ang buhay ko di ko pinahalagahan smntalang napakaraming bata ang nagugutom, walang matatawag na buhay.pasabihan mo lng ako lira kung pano makktulong. count me in on this one!

    ReplyDelete
  3. Nag email po ako. Natanggap mo po ba? Saw your email add in your profile.

    ReplyDelete