"Everything happens for a reason." --- Madalas kong madinig yan kahit nuong pa. For every shit that has happened in my life, ung mga tao sa paligid ko, madalas sabihin na, "ganyan talaga ang buhay, yaan mo lang, lilipas din yan, saka lahat ng mga nangyayari sa buhay natin may dahilan." Nga kaya? Ano namang dahilan kaya un? Nakakatawa kase sa totoo lang, sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na yata nalaman ang reason behind everything. Or maybe I wasn't paying attention to it. Tipong nagfocus lang ako sa mga nangyari o sa results after nun kaya hindi ko na nabigyan ng pansin kung bakit nga ba nangyari ung mga bagay na yun. Ang sa isip ko lang nun, anu man ang mangyari, maa-alter neto kung anu mang resulta ang ini-expect ko.
Mahilig akong magplano. Mahilig din sumablay ung mga plano ko. Planning shouldve been my middle name. Gusto ko kase nakaset lahat, kaso hindi naman pala pwedeng ganun. It took me a while.. well it took me really wuite a while to realize na there are things that we have no control of.. "mangyayari ang mangyayari" (according to a friend) kahit anong editing or alterations ang gawin natin in one situation, if its meant to be, it is bound to happen. We can't do anything about it. Kahit na hate na hate as in super hate natin ung posibleng outcome ng isang sitwasyon, wala tayong magagawa, yun na yun eh. Its either we accept it or we go against it. Going against it wont do us any good. Ano, lalabanan mo ang sitwasyon? Magpapakapraning ka na mabago ang lahat? Para ano? Pahirapan ang sarili mo? Aba! Nasisiraan ka ng ulo! (Ganyan ako eh! Hahaha) Accepting things as they happen, less complication sa buhay mo, less stress, less pressure, less negativities (although sabi ulit ng friend ko wala naman talagang negatibo sa mundo). Mas okay siguro kung let nature take its course. Wag mong labanan. Just go with the flow.
May mangilan-ngilang pangyayari sa buhay ko recently ang nakapagpabago ng ilang pananaw ko sa buhay. My recent break up with an ex, made me realize a few things, isama pa ung mga naging reaksyon ko, pagtatry kong magcope sa sitwasyon na hindi ko naman talaga hawak o kontrolado, not to mention ung incident with my sister, wherein I was able to see things in a different light. May isang linggo pa kami para mawalan ng kaba sa mga nangyari. She's been asking me these "what if" questions. To be honest, I dont have answers. Hindi naman kase porket ako ang ate eh may mga sagot na ko sa mga katanungan niya. I don't. Siguro ung panahon at pagkakataon lang ang makakasagot. Siguro or sigurado na may mga hindi magagandang epekto or resulta ang mangyayari once na may mapatunayan kami. Ayokong mag-isip. Hindi ko dapat pagplanuhan na ganito ang gagawin, ganito ang mangyayari. Walang wenta yun eh. Hindi makakatulong. Bibigyan ko lang ng problema ang sarili ko. I'll just try to embrace whatever na ibato sa amin/ sa akin ng sitwasyon and will act from there. Baka additional blessing. Hindi ko alam. Bahala na si batman.
We take things as they come, hindi na ko kumbinsido na uubra ung pagpalanuhan mo ang lahat sa buhay mo even before it happens kase hindi ka naman sigurado sa kung anong meron bukas. What you have today, may disappear tomorrow. Situations change, feelings change, but people dont.. Tayo pa rin to kahit anong pagbabago mangyari sa paligid natin, we don't change, we just adapt..
*larawan mula kay Google*
*larawan mula kay Google*
kamay ng aborsyonista amfp
ReplyDeleteTunay nga na talagang nakakadisappoint ung kapag hindi nangyayari ung mga inaasahan natin. Diba nga sabi nila expect the unexpected? hindi din natin ba maiwasan na hindi umasa, ilan beses man natin sabihin sa sarili natin na huwag, gagawin at gagawin pa rin natin, nature na nga kasi yata nating mga tao un.
ReplyDeletei sincerely hope everything works out well for you and your sister. whatever it is you are going through right now
hndi aq nani2wla n hndi ngbbgo ang tao. as time goes by, natututo tau mag adapt s sitwasyon ksbay nun ang mangilan-ngilang pgbbgo na mggnap s buhay ntin to make us a better person. just my two cents.
ReplyDelete