When you start loving someone, you must also accept the fact that sooner or later, matatapos din ang lahat. Sometimes, it'll all be over before you knew it. Some relationships aren't meant to last. Hanggang dun lang eh. Hanggang ganun lang un. And you have to accept that. It's not a sign of failure, it gives the person the chance to learn from it---to learn how to sacrifice and accept things.
Sabi nila, kung mahal mo ang isang tao, dapat marunong kang magparaya. Kalimutan ang sarili. (kung san ka masaya, suportahan taka! *insert PLDT commercial here*) How ironic diba? I mean, how can you possibly let go of someone you've grown to really love? ----unconditional love yata ang tawag dyan, when you become selfless. tipong "im setting you free/letting you go, cos I want you to be happy---go find your happiness." (Ang syala lang diba?! Dakilang-dakila! pwede nang patayuan ng dagdag na monumento, sa gitna ng EDSA!)
Dalawang bagay lang yan eh, when a relationship didn't work out, it's either you let go or you hold on.... When you decide to let someone go, minsan di naman din un natatapos doon, sinusubok lang pala kayo ng pagkakataon. Kamukat-mukat mo, magku-krus muli ang mga landas nyo--pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana (konektado din dito ung sinulat kong destiny shit nung nakaraan eh, kung hindi mo pa nababasa, eto click HERE.. <----- oo yan nga...wag makulet!) Pero kung hindi naman kayo nagtagpo ulet, what happens next? Wala... you give yourself time to think and heal and move on to the next phase... ang maghanap ng bago na ipapalit sa nagbigay sayo ng broken heart ang maging masaya despite ng pinagdaanan mong sakit. You can hold on, but for how long? By holding on, when all is lost, we tend to focus more on the pain that were feeling when it shouldn't be that way. We shouldn't dwell too much on it---may iba pang bagay na pwede mong i-nurture para mag grow ka, to make yourself complete (Centrum). An ex once (actually madalas nyang sabihin hanggang ngayon) told me, "Pain is nice, it proves you've a heart."
"The fastest way to receive love is to give love. The fastest way to lose love is to hold it too tightly." Hindi madaling bumitaw. Sa pagbitaw mo, magbibigay ito sayo ng sandamakmak na sakit, pahirap, luha... it can sometimes break you into a million little pieces. But when you think about it, letting go isn't really the end of love; it can be a start of a much greater (much na greater pa?!) love... if you will let it.... if you'll let yourself be free..
We can't ask someone to stay kung hindi naman na din talaga sila masaya. We have to accept that loving doesnt give us the license to own the person we love..for LOVING IS NOT OWNING....
we let go when we have to, then we move on... and it goes on and on... (until we find "the one" <-----gudluck with that!)
*larawan galing kay Google*
*larawan galing kay Google*
Napatawa mo ako sa pangatlong paragraph mo, ang bitter ng dating, parang naramdaman ko hehehe. Pero tama ka naman sa loving is not owning. Hindi naman kasi porket nagmahal tayo nagiging pag-aari natin yung taong minahal natin. Sana nga lang madaling mag let go kapag oras ng bumitaw.
ReplyDeleteHindi ko pa rin makuha kung ikaw ba ay bumibitaw na o patuloy pa ring nakakapit sa recently concluded relationship mo. Ooooops!
Ingat, Lira!
This is a good read, thanks!
Kapag daw kasi minsan masyado mong inalagaan, saka pa ito mawawala sayo. Dapat hindi mo binibigay ng buo para kung sakaling lumagapak ka, hindi ganun kasakit ang pagplakda mo.
ReplyDelete-Isang kaibigan
pano mo ba mallaman na tamang pag-ibig sa maling pagkakataon? kapag nakaranas ka ng sakit at hirap? hindi ba at kasama naman tlga un kpg ngmahal ka? Ang masktan. Hindi k nmn mggng masya kung hndi k mkkranas ng sakit. so, kailan mo mssbng tamang pagmamahal sa maling panahon?
ReplyDeleteang ganda ng post na to para saking shit Friday madness....
ReplyDeleterelate much,,,,,,,,,,i
hate u kung sino ka man lol~
hindi madaling mag let go,,,minsan madaling sabihin pero pag gagawin mo na or ginawa mo na,,,gusto mong tapusin ang iyong buhay lol...sympre jokes lng,,
pero sa totoo lng,,it took me 8 months ata para makamove on saking shit na past relationship...
nung unang month parang gusto ko pang iwork out na sa magkabalikan n kami pero may nadiscover akong gold,,jokes,,may nadiscover akong isang bagay na nagpauntog saking bungo na wag n daw akong umasa pang magkakabalikan kami....letch lng...
at ngaun sa aking present rel..isa lang masasabi ko,,,kung ako magiging millionaire hindi na ako mag-aasawa!!!!!!!!!!!
sometimes love makes our world round..but it also gives us a dam* sh*t lol...
hehe medyo naka-relate ako ng bongga..hmm sana pagnaghiwalay dapat cut agad pati yung feelings..dapat ganun na lang sabay jhombag para quits. :) kaso di naman ganun kadali.."one day soon its gonna happen to yah & when it does it wont be pretty" ---(bilang ganti sumpain ka) hehehehehe.. anyway, ganun lang siguro talagaNG the easiest way to move on is to "ACCEPT".. pano? come what may si batman..
ReplyDeletemakabuluhan.
ReplyDeletehindi madali ang mag let go lalo na kung kasama na sya sa pang-araw araw mong ginagawa. yung pag sanay ka na, na najan sya. mahirap sabihin at ipaintindi sa utak mo na kailangan mo syang pakawalan kase mahal mo sya. madaling sabihin pero it takes a million courage to do so. masakit ang ang umibig lalo na't wala kang kasiguraduhan.
siguro ang right love at the right time ay para lamang sa mga piling piling tao. hindi naman kase lahat may ganyan. ewan ko, hindi ko na rin naintindihan ang comment ko.
kailangan kong isiksik sa utak ko na loving is not owning.
-rainbow