Monday, September 05, 2011

I Used To...

Ang hirap gumawa ng biglaang bagong routine. Ang hirap na tanggalin ung mga bagay na araw-araw mo ginagawa. My day usually starts at 5 or 6 in the morning, Dapat pagdating ng 8am, patapos  na ang lahat, nakaprepare na ang mga dapat gagamitin for school, food for lunch, clothes to wear  para pagdating ng 8:30 am, wala ng abala sa pag-uusap. He goes online at 8:30, he texts me at 8:30. We start our day at 8:30, mapuputol ang YM conversation by 12:30 kailangan maghatid sa school, dyan papasok ang texting... and phone call for two and a half hours. Pagdating sa bahay YM ulit until 6pm. He logs out by 6, we text until 6:30pm, tas goodnight na. I work in the evenings. Slept late, wake up at 5 or 6am.. tas ganun ulit..

Ang hirap na biglaang papalitan ung mga ginagawa kong yan everyday. For about a week now, lahat na yata ng posibleng pamatay oras ginawa ko na para hindi ko maisip na "hindi ba pag ganitong oras eh magkausap kame?" "dati, pag ganitong oras  magkatext kame eh."

No comments:

Post a Comment