Karaniwan na as is karaniwan na talaga sa mga nagbe-break na may isang bumabanat ng “its not you, its me”. At yung taong nakipagbreak ang mariringgan mo nyan. Pampalubag loob? Malay ko! Napapansin ko lang na palaging ganun. From stories of friends who’s been dumped by their boyfriends (dahil sa nakahanap ng ibang babae na MAS daw ung boyfriend), to books that I’ve been reading hanggang sa mga romantic films na napapanuod ko. Sobrang gasgas na gasgas na yang linyang yan.
When a relationship ends, whose fault is it nga ba? Sino nga ba ang may sala? Kaninong pagkakamali ang mas matimbang na nakapagdecide sa isa to end the relationship? Bihira mangyari na mutual ang decision na tapusin ang isang relasyon. Sabi nila, it takes two to tango. Totoo nga naman. Pwede ka bang makipagrelasyon ng solo? O, sige, subukan mong makipagrelasyon sa sarili mo. Tipong sulatan mo sarili mo (hmmmm nigagawa ko to minsan), i-date mo sarili mo, regaluhan mo sarili mo at kung anik-anik pa. Mukha ka lang tanga diba? Relationship with yourself? Yeah right.. A relationship is a special kind of connection of two people who understands each other, yun bang may sarili silang mundo na sila lang ang nagkakaintindihan. (shempre joke yan, maniwala uto-uto) Kapag may nagsawa, o may nakahanap ng iba o sadyang bigla na lang nawala ng parang bula ung kung anu mang nararamdaman para sa karelasyon nya, its time to end the relationship. Para ke ano pang itutuloy nyo kung you don’t feel the same way anymore? Ano un, lokohan lang? “isipin ko na lang mahal mo pa ko, ituloy natin ung relationship natin ha.” Isang malaking kalokohan. Sino niloloko nyo? Kapag nagkaganun, ang iisipin ng tao, kasalanan ng nakahanap ng iba (kasi lumilingon-lingon pa kung san), kasalanan nung nakawala ng pag-ibig(naks!) sa karelasyon nya ( kasi kesyo hindi naalagaan kaya namatay ang love ahihi), basta never na magiging kasalanan ng taong hiniwalayan. Siya yung aawardan sa pagiging kawawa and everything. Siya yung magmumukmok, mag iinarte ng bongga, iiyak hanggang sa maubos lahat ng tubig mo sa katawan. Etong si iniwan, “Ano bang nagawa ko? Anong mali saken?” Sasagutin naman ni nang-iwan ng “ It’s not you, its me.” Tupperware much diba? Aakuin mo kunyari na ikaw ang may kasalanan kahit hindi. Kase sa totoo, wala naman talagang may kasalanan. Hindi naman dapat magkaroon ng sisisihin sa mga ganyang sitwasyon o sa kahit na anong sitwasyon pa.(akalain mong may natutunan din ako sa kanya lol) Hindi naman kasalanan ng tao na bigla na lang nag evaporate ung nararamdaman nya. Hindi niya rin kasalanan kung may makita sya na sa tingin niya eh yun ung taong makakapagpabago sa takbo ng buhay niya. Buhay kase tayo. And as we live, we grow din. Hindi rin kasalanan ng taong naiwan. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo kase inalaagan kaya nakahanap sya ng iba. Anung klaseng alaga ang kailangan? Araw-araw na didiligin? Lalagyan ng fertilizer achuchuchu? Hindi halaman yan na kailangan ng fertilizer at kaunting sinag ng sun araw-araw eh solb na.. Nangangailangan yan ng mas matinding well hindi naman talaga matindi, it needs a certain kind of understanding for a relationship to work. It needs a certain kind of connection/bond to make it last. Kapag wala na kayong maramdamang koneksyon o chemistry, anung sense na ituloy pa?
For some na iniwan, malamang mahirap makamove one.. lalo kung mahal mo pa talaga ung taong nang-iwan sayo. Ang coping mechanism ng ilan eh ang manisi (I should know, ganyan ako eh!) Tipong lahat na ng krimen sa mundo mula sa pagpatay kay Lapu-lapu ibe-blame mo sa nang-iwan sayo para lang mapagaan mo yung loob mo. Pero sa totoo, alam mo sa sarili mo na wala naman may kasalanan. Walang dapat sisihin. Walang inapi, walang kinawawa. What happened was a simple twist and turn of fates. Ibig sabihin, hindi yun ung perfect timing para sa love na nararamdaman mo. Siguro meron pang iba para sayo or hindi nyo pa panahon. Destiny shit once again. Or maybe inihahanda ka lang para sa “the one” (leche! Hahaha) Kaya binigyan ka ng failed relationship naaahhhh scratch the failed relationship kase hindi naman failure yun. Kaya ka nabigyan ng relationship na hindi nagwork kase may someone better na darating, and if and when it comes, handa ka na. Praktisado ka na from the past relationships you’ve had. Ganun nga siguro un.
*larawan mula kay Google*
hehehe tinamaan ako dito. to be honest, ilan beses ko na ginamit yang linya na yan sa pakikipaghiwalay sa gf ko nun. kahit na hindi naman totoo, kahit na hindi ko nakita na nasa ganuong sitwasyon kami. mas pinili kong gmitin yang mga salitang yan sa pag-aakalang may kabawasan ung sakit na marrmdmn ng babae kapag binitwn ko yan.
ReplyDeleteisa ito sa mga nagustuhan kong sinulat mo, nakakarelate ksi ako. salamt!
ang cnsb mu kpg nghwly ang isang magcouple, wl dpt n sisisihin? kht pobyus nmn n kslnan ng other party? prng ang unfair yta nun.
ReplyDelete