Wednesday, December 28, 2011

Ikaw At Ang Tren

Sa istasyon ng tren. Lahat nasa anyo ng pagmamadali, mapa-umaga, hapon o gabi. Everybody's rushing.. Everyone's moving. Moving fast. You're left behind. Naupo ka sa upuang itinalaga para sa mga naghihintay ng tren. Naubos ang mga tao, umandar na palayo ang tren, naiwan ka.. nag-iisa. Nagdatingan na naman ang mga tao, different set of people na maghihintay kasama mo sa susunod na tren.. dumarami sila, nagmamadali. Tingin ng tingin sa relo, nagpapaypay, nagpupunas ng pawis. Lahat aligaga sa paghihintay sa pagdating ng sasakyang magsasalba sa kanila sa pagka-late sa kung saan mang lakad nila. Dumating ang tren. Nagsipagsakayan ang mga tao. Sumarado ang pinto. Umandar ulit ang tren. Naiwan ka na naman. Tumayo ka mula sa kinauupuan mo. Tumingin sa paligid. Tinitigan ang digital clock ng istasyon ng tren. Naisip mo maaga pa.  May oras pa. 


Anong hinihintay mo?


Ang susunod na tren. Yung maluwag. 


Walang dadaang tren na maluwag. Nasa gitnang istasyon ka sa buong ruta. Inaasahan mong may darating na sobra ang luwag na makakaupo ka? Nag-aaksaya ka ng oras. Ilang daang tao ang sumasakay ng tren araw-araw. Lahat me kanya-lanyang lakad, lahat me kanya-kanyang agam-agam sa buhay. Pero hindi ibig sabihin na lahat ng mga taong sumasakay sa tren eh katulad mong me hinihintay.


Hindi tren ang hinihintay mo. Pupusta ko ang buhay ko. Hindi ang pagdating ng isang tren na maluwag ang hinihintay mo. Mauubos ang oras sa buong maghapon sa pag-upo sa istasyon, sa pagmamasid sa mga taong nagkakandarapa sa paghabol sa tren, sa pagtingin sa digital clock, sa pagbibilang ng kung ilang taong nakacheckered na polo ang ang daraan sa harapan... magiging hapon ang umaga hanggang sa umabot sa gabi, pero hindi darating ang hinihintay mo.


Nasubukan mo na bang tanungin sa sarili mo kung ano o sino talaga ang hinihintay mo? Napag-isipan mo na kung may halaga ba ang paghihintay na ginagawa mo? Nagmumukha ka ng tanga, wala ka namang napapala. Subukan mong mag-apply na empleyado sa train station na tinatambayan mo, mag janitor ka! Ikaw ang magbukas at magsarado ng gate ng MRT/LRT.  Posibleng gawin mo yan pero pupusta pa rin ako na HINDI darating ang hinihintay mo.


Bakit?


Dahil naghihintay ka sa WALA....






Ilang tren na ba ang lumagpas sayo? Ilang tren na ang hinayaan mong lagpasan ka? Pinatigil ba ng digital clock sa istasyon ng tren ang mundo mo?


Subukan mo minsang tumayo at makipagsiksikan papasok sa loob ng tren. Subukan mong pausarin ang mundo mo. Wag mong hayaang habang buhay kang maghintay sa isang bagay na walang posibilidad na mangyari. What are the chances that you'll end up having what you want? Nil. Zero. Zilch. Nada. Walk away. Mag jeep ka na lang..  :)






***larawan mula kay Google***

Monday, December 05, 2011

There Goes My Baby




You can get tired. You can stop for a while to rest, to have your much needed break. But you can never stop completely. You're not allowed to quit. You're not allowed to give up. You've signed up for a lifetime role. You cannot let go. You can never walk away.

Sunday, December 04, 2011

Let Me Tell You A Story...

Bata pa lang ako sinabi ko na sa sarili ko na hindi, hinding-hindi ko papayagan na maging second option ako. I told myself, I will never succumbed to borrowing happiness from others. I told myself that if and if I fall in love, it will be with someone who will not make me their second choice.

Si Papa, maraming babae. As in kilala sya ng lahat ng tao as 100% womanizer. Kung tama ang calculations ko, pang apat na pamilya kami. He was married once, Ive met my brothers and sisters from the other three families na nauna sa amin. Two of them kasama pa namin sa bahay as I was growing up.  Matapos sa amin, may mga sumunod pa, tipong “the list goes on and on and on” hanggang sa time of death nya, madami pang nagsulputang mga pamilya. Instant reunion ang nangyari sa libing ng tatay ko.  I grew up na nasa background lang ung pagiging tatay nya. He was never there during Christmas, bihira makapunta sa mga birthdays, father’s day? Anu yun? Sa mga family affairs sa school, walang anino ng tatay ko.  Okay lang, nasanay na rin ako.

Then I met JD. I was in my last year in college, living alone, away from my family. At that time, 3 years ng wala ang tatay ko sa face of the earth, my mom and younger sister decided to moved up North sa hometown ng nanay ko at dun na tuluyang manirahan. As I was already in college, I opted to stay. Ayokong magsimula ng panibago sa isang lugar na kahit kailan hindi ko naimagine na titira ako ng pangmatagalan. Si JD, easily charmed his way into my heart. He's 11 years older than me, doesn’t look his age though. (well most of my x’s were older than me) After just two months ng pagiging kami, he asked me to give up my apartment and move in with him. He was then living alone din. (Dapat lang naman diba? Imagine a 31 yr old guy still living with his parents, asan ang backbone? Lol) And so I did..Then I got pregnant. Dun na nagsimula maging kumplikado ang lahat. Hindi pa pala sya handa. (sabi nya) Dun ko lang din nalaman na, he’s married with one 7-year old kid living in Canada. Its been 7 years dawn a wala silang communication. May nabasa ako na if its more than 7 years, null and void na ung marriage nila. But I wasn’t so sure. Technically, kabit ako. Kahit na 24/7 na ako ang kasama ni JD, kabit pa rin ang labas ko dahil hindi siya sa akin kasal. After giving birth to JM, mas naging mahirap ang sitwasyon. Nagsimula syang maghanap ng #2, #3, #4 (and so on and so forth) na kabit. At dahil sa akin siya umuuwi, ako ang nagfee-feeling legal wife, ako ang nakakaramdam ng pang aagrabyado, ako ang nasasaktan. Took 3 kids, countless times ng pag aalsa balutan at 6 ½ years of living with him bago ko siya tuluyang naiwan. I was hopeful, I was clinging on to something that never was. I was a fool to believe in some fairy tale.

Pagkatapos ni JD, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na ulit mangyayari na magiging pangalawang option ako. Hindi ko gugustuhing danasin ung pinagdaanan ng nanay ko, I swore to myself that I will never again feel ung mga paghihirap ng kalooban na inaabot ko kay JD.

“Gusto ko lang naman maging Masaya. Hinawakan ko lang naman ung makakapagpasaya sa akin, kasalanan ba yun?”
-          At the expense of others? Kahit alam mong may masasaktan kang iba?
 “Hindi ko kayang bitawan eh. Ayoko pa.”
-          Kahit nasasaktan ka na?  Kahit nahihirapan ka na? Kahit alam mong may nahihirapang iba nang dahil sayo?

When you know or in the situation wherein you are aware na ikaw ang third party, it is really exhausting. Not physically exhausting.Tas too much of the guilt feeling. It is emotionally-painfully exhausting. You hurt not just for yourself but also for those people na nasasagasaan mo in the process of loving, of simply being happy.. It is also exhausting to hate. To hate the person who made you feel the hate feeling. To hate yourself for deciding to do the “wrong” thing, to hate those people who tries/tried to judge you, to hate  the person na nasagasaan mo, to hate the fact that you’re hating. Literal na magulo ang mundo ng taong nanghihiram... magiging attached ka, or hahayaan mong totally ma-attached ka kahit na alam mong eventually you would have to return it back. Kase nga hindi sayo, meaning hindi pwedeng magstay sayo forever.  Darating yung time na kakailanganin mong bumitaw. Kahit saang anggulo mo tingnan, ikaw ang talo.. HIndi ka pwedeng magdemand ng panahon at oras nya, hindi ka pwedeng magfeeling na ikaw lang, kase in the first place hindi naman talaga ikaw, umekstra ka lang. Saling ket-ket ka lang, sooner or later kailangan mo ng mawala sa eksena. Kahit na alam na alam mong ganun ang ending, alam mong masasaktan ka sa bandang huli, still you chose to go through with it, still you decide to take the risk, still you let yourself fall too hard even though you know from the very start na there's no one to catch you incase you really fall. You let yourself jump without making sure there's someone who will jump with you, simply because you cant. You cant make someone thats not yours leap and take the plunge with you. 

***kasalanan ng movie na No Other Woman tong post na to.***

Wednesday, November 16, 2011

Prayers Answered

Nung bata ako, tinuruan ako na magdasal bago matulog at pag gising sa umaga. Sagrado katoliko ung pamilya ng nanay ko. Kapag umuuwi ako sa probinsya tuwing bakasyon, andyan ang angelus ng 12nn at 6pm. Ang Saturday evening at Sunday mass. Hindi pa kasama ang mga novenas. Walking distance lang kase ang simbahan sa bahay ng mga lola ko sa province. At dahil sa mga lolas ang kasama ko sa bahay, wala akong choice kundi ang sumunod. Sa bahay, sa totoong bahay naming kasama ang magulang ko, hindi gaano napapansin ang mga angelus at novenas pero inoobliga ako ng nanay ko na amgsimba tuwing lingo at magdasal bago matulog. Mga dasal ko? Nung batang-bata ako, the usual na angel of guard, my guardian dear… nung elementary years, naglevel up sa Our Father, Hail Marys and Glory Bes ang mga dasal ko. Lahat ng pinasukan kong school mula preschool hanggang college puro Catholic schools. Tinuturuan ng iba’t-ibang klase ng dasal para sa iba’t-ibang klase ng sitwasyon. One form of prayer and praising God daw ang singing praises. And since mahilig ako sa musika, I was into glee club mula elementary and highschool. Natututo ng iba’t-ibang mga awit tungkol sa Diyos. College, nawala ako sa choir/glee club, nagbago ang interest, hindi na rin ako nagsisimba tuwing lingo. I was away from my family nung college years kaya wala ng mangungulit or magagalit kapag hindi nakakasimba. Walang nagsesermon sa tuwing makakalimot magdasal paggising sa umaga. I was living my life the way I think it should be and the way I thought I wanted it to be. Living without prayers, living without faith. Naalala ko after college, nakakapagsimba na lang ako kapag nakakaattend ng kasal, binyag at kung anu-ano pa na may church activity/involvement. Kapag nakakasimba, I wasn’t really paying attention. Ligawin ang isip ko, maligalig.

At some point, I was aware that I stopped believing.  I started “sinning” (meron nga bang salitang ganyan?) I started lying, not to other people but to myself. Confused? No. Crazy? Definitely hindi. So, what the hell happened? What was the reason? IDK. I just knew and felt that I don’t have the capacity to believe in something I haven’t seen. I don’t have the ability to put my trust into my own faith. Faith. What is Faith? Ang alam ko lang na faith eh pangalan to ng classmate ko dati. Si Faith na matalino, mabait, friendly. Larawan ng isang mabuting Kristiyano. (lol) But seriously, What is Faith? I could go on and list several meanings of faith pero it wouldn’t mean that much kase alam naman nating lahat na ginugel ko lang ang ibig sabihin nun. But if you would ask me, to define it in my own words depending on my belief, then you wouldn’t be able to get any answer from me. Wala akong mabibigay na sagot dahil wala akong pinaniniwalaan.

Do I believe in God? Yes and No. Don’t try to ask me why cos I wouldn’t answer. Do I still pray? If you mean the traditional Our Fathers and others, NO, I don’t. Pero ung simpleng pakikipagusap ng isipan ko sa kung sino mang Higher Forces, then YES, I still pray. Maraming nagsasabi or nakapagsabi na sa akin na kaya daw nagkakandaleche-leche ang buhay ko (mga mismong salitang ginamit nila lol) is because I lack faith. Salat daw ako sa paniniwala/pananalig sa Kanya. Kaya daw hindi ako pinagpapala. No offense sa mga taong relihiyosong tunay. Hindi ang simpleng dasal ang sagot sa lahat ng problema sa mundo. Sa dami ng mga nagsisimba at nagdadasal araw-araw, sa Pilipinas pa lang, bakit hanggang ngayon baluktot pa rin ang sistema ng bansa? Sa dinami-dami ng mga nagdadasal, bakit marami pa ring mga batang palaboy, walang bahay, walang makain, walang kinabukasan?

Gusto ko ng malaking bahay, magarang kotse, magandang trabaho. Magdadasal ako. Bukas ba pag gising ko, meron na lahat ng gusto ko? Gusto kong maging Masaya, ipagdadasal ko na bukas magiging Masaya na ko. Naniniwala ako! I have faith in my faith. I have faith in my prayers. Pag gising ko bukas, kusang lalapit si happiness at happily ever after na ko.  Gusto ko ng bagong cellphone, magdadasal ako. Does it work that way? Does faith work that way? Sabi nila you just have to believe, you just have to have faith and everything will be as it should be. Ano ba ang dapat?

I know I’ve lost my faith. Faith in what? I don’t know. I’ve yet to discover. But losing faith doesn’t mean you have to stop living your life. I am living mine right now…. Its just funny kase with the way I live it, it doesn’t seem as if I’m really living it.. magulo? Hindi naman. For some, siguro malabo tong sinasabi ko. I’m just sayin… ano nga ba ang point ko? Faith isn’t something na tinutulak sa atin. Hindi ito isang bagay na ipinapabili sa atin sa tindahan para magamit natin. Its something that we get out of the life were living. 

I’m just glad I wasn’t named Faith by my parents, otherwise, magiging isa akong mantsa sa mga mabubuting taong pinangalanang Faith….


Tuesday, November 01, 2011

Random Me

CHEESY
- I'm a cheese person. Any food that has cheese in it, di ko palalagpasin.  Hindi ako madaling maumay sa macheese na food, sa taong ma-cheesy, dun ako nauumay. (Pero minsan cheesy din ako ahihihihi)


3 SETS
- Dito sa bahay, I always have 3 sets of sanitary napkins na  nakastock. (1) without wings, ginagamit ko lang pag nasa bahay ako - daytime. (2) with wings, ginagamit ko pag umaalis ako ng bahay, kapag lakad or something. (3) all nightie, pang gabi lang, ginagamit ko to kapag tulugan na.


NOVEMBER 1
- Nung sa Souther Tagalog Region pa kami nakatira, tuwing November 1, umuuwi kami ng Cavite City not just to visit the deadssss but the livingsss as well. Hindi kami nagpupunta sa sementeryo ng daytime, laging sa gabi, iwas bilad sa araw. Sa gabi, jampacked ang cemetery kase nga dun naglalabasan ang mga tao instead na sa araw.  Tatambay kami ng mga ilang oraS dun habang nakikichika ang mga oldies sa mga kapwa mga oldies, kami namang mga bagets (hindi ko na maalala kung sino ung mga nakakasama ko nung time na un) umiikot-ikot sa mga puntod at nangunguha ng mga melted candles at iniipon, binibilog at binebenta. After ng tambay sa cemetery, sa peryaan naman ang sugod namin, we usually stay until 1AM, pagkatapos nun uuwi na.
- Kapag naman hindi kami nakakauwi, sa bahay lang kami. Magluluto ng kung anu-anong kakanin. Naalala ko fave ko nun ang suman.. ung kamoteng kahoy na suman. Pero hindi kami gumagawa nun. Nanghihingi kami sa binibigyan kami ng kapitbahay namin. Usually ung mga may gata-gata something ang niluluto sa bahay. Tas from October 31- November 2, nagtitirik kami ng kandila at nagrorosaryo kami, isa sa morning at isa sa evening, feeling ko nun ang banal-banal ko.


MIRROR
- Hindi ako makapagbrush ng teeth ng hindi nakaharap sa salamin, parang iba ung pakiramdam, hindi komportable, may kulang. Pero kaya kong maglagay ng eyeliner ng walang salamin.. "de-feel" lang.


UTENSILS
- Meron akong paboritong spoon and fork na ginagamit kapag nasa bahay ako. As in ikinaiirita ko ng sobra kapag kainan na at makita kong wala dun ung spoon and fork na gusto ko dahil nasa hugasan at may gumamit na iba.
- Ayokong gumagamit ng plastic na baso. Hindi naman sa choosy ako. Kung nasa ibang lugar ako at yun lang ang pwedeng gamitin, ginagamit ko ng maluwag sa kalooban ko at walang bahid ng pag-iinarte ang nagaganap. Pero kung nasa bahay din lang ako, hindi ako gumagamit nun. Ayoko lang. Tapos.


PATIENCE IS A VIRTUE
- Dati, may virtue pa ko sa lahat ng bagay, ngayon, napipili na lang. Pasensyosa akong nilalang. Dati, it takes a lot of effort para makainisan ko ang isang bagay, tao, hayop, lugar o pangyayari. Ngayon, text pa lang inis na inis na ko. Ngayon, text pa lang nauubos na ang pasensya ko.


VANITY
- Vain ako. (Pero hindi naman sobra di tulad nung gustong palabasin ng ibang tao dyan) Matagal ako maligo, dati mga isang oras ako sa banyo, nung may nagreklamo na friend ko kase madalas akong ma-late sa mga usapan at lakaran, nireduce ko sa 45minutes. When I had my tattoo, nareduce ko sya sa 20minutes. Ngayon nakakaligo na ko ng 15minutes na lang (pero hindi ako kumbinsido sa ligo-pato style na yun) Paminsan-minsan nakakaligo ako ng 5minutes. *eye roll*


CLOTHES
- Inaabot ako ng kung ilang minuto sa pagdedecide kung ano ang isusuot ko. Magbubukas ako ng closet ng 10AM, titigan ang mga damit ng ilang minuto, 10:15, nakatitig pa rin, 10:20 may hawak ng damit, nailabas na, 10:30 bibitawan sa kama may makikita ulit na damit na ilalabas, 10:35 may panibagong damit na ilalabas, 10:40 may mas magandang makikita at ilalabas. 10:50 finally! nakapili na ng isusuot, hitsura ng kama parang dinaanan ng bagyo, ang closet hinalukay ng sobra. DESTINATION? Sa market, mamamalengke =))


LISTS
- Mahilig ako sa mga lists. Pag mamalengke, bago umalis ng bahay gumagawa ako ng listahan ng dapat bilhin kapag nasa labas na ko, wala na yung listahan ko di ko na makita. Mga to-do lists sa bahay, matapos kong isulat, ididikit ko sa may pintuan ng kwarto, pag gising ko kinabukasan, makita ko, tatamarin ako.. "bukas na lang". Mga to-do lists sa buhay. Sa sampung to-do lists ko, 2 lang ang natatapos at nakukumpleto ko. Hmmmm makagawa nga ng listahan ng bibigyan ko ng regalo sa pasko hihihihi...




Walang koneksyon ang photo sa post o saken. Nakita ko lang bigla sa isang tumblr post, nakyutan ako kaya nilagay ko dito, i don't wanna flood my FB kaya dito na lang. (explanation much!)

Sunday, October 30, 2011

One Summer Shower Part 2

It was a beautiful day outside. A clear sunny day with large white clouds formed in the sky. The perfect hot summer. The right amount of humidity made every scene slow and kind of sensual. Daryl sat at a small round table, his usual spot, with just the right parcel of sunlight at The Bay. Traffic whizzed by while lunch people went about their strolling. The sun felt really charming.

Life was incredibly good. And he knew it. He had everything he want. A beautiful and supportive wife who is also successful in her own business venture.  He had it all, a city he loved, a new novel. Daryl’s a writer. Everything felt good and much better now that his novel’s slowly blossoming, his characters were all coming to life.

“You know one of these days you’ll get sick and tired being married to a starving writer and you’ll say ‘I’m done! I’ve had enough.’ And will just walk out.” He had watched her face serenely as she shook her head and let out a sheepish smile in the warm sunlight four summer years ago. “You don’t look like you’re starving to me.” Smiled some more and lightly brushed her lips on his lips. “I love you, Daryl.” “You’re crazy! But I love you too.”  It had been a really bumpy summer for him. He hadn’t made a single cent with his writing in eight months. “Why am I crazy? Because I respect your kind of work? Because I think you’re a good husband even if you don’t work in some multi-million-billion company? So what? Who gives a damn about that shit? Do you? Do you miss it so much or are you just gonna use it to make things difficult for yourself for the rest of your life?”  There was a slight tinge of bitterness in her voice, mixed with anger.  “Why can’t you just enjoy what you are? Feel good about yourself and what you can do. A writer and a good one. You know sometimes its not all about the money. We don’t starve. We have more than enough. I’m happy and contented and I love you. Although sometimes you make me feel so mad.” A smile began to warm her face again as he leaned over and kissed her. She ran a finger slowly up the inside of his thigh, watching her with that quiet smile of hers, and it tingled all over.

He still remembered it. Perfectly.

Thinking of her made him smile as he watched people at the other tables. If Lizzie had been here they would’ve been laughing right now. She’d definitely be wearing something outrageous. Something that will make people look at her and be intrigued. Something that will make her more interesting. Thinking of her like that drew his attention to the woman in the straw hat a few tables away. He hadn’t seen her before. And he thought she was definitely worth seeing. On a hot sunny afternoon having consumed two bottles of beer which is just his limit to himself when out drinking alone, he could barely see her face.

She had slender arms and pretty hands with no ring. Meaning, single? Maybe. He watched her as she sip her drink through a straw. He felt a familiar tingle as he thought of his wife and watched the girl in that hat. It was a damn shame Lizzie wasn’t home. It was a day to go to the beach, and swim, and sweat and get covered with sand and rub your hands all over each other. The way the woman in the straw hat sensually moved her lips on the straw in her drink bothered him. It made him want Lizzie. Now.

To be continued…

Friday, October 21, 2011

One Summer Shower

She just stood there and so did he, until a broad smile began to take over his face. He looked like a tall, shy schoolboy, watching her and grinning, his eyes damp but no more so than her own. It was crazy—half a block of lawn between them and neither of them moved…she had to.. she came here to see him, to talk to him, not just stand there and gape at him and look like a total idiot. She walked slowly along the walkway, and he began to walk towards her too, the smile plastered on his face becoming wider and wider, and then suddenly, finally, at last, she was in his arms. It was Daryl. The Daryl she knew. It smelled like Daryl. It felt like Daryl, her chin fit in the same place on his shoulder. She was home.

“What happened? You look like a dork who haven’t combed in centuries.”

“I didn’t bother trying to look good, I came immediately so you could save me from this horrible mess I’m in.” She was having a hard time fighting back tears , but so was he, and still their smiles were like bright sunshine in a summer shower.

“Lizzie, you’re crazy.” He held her tightly and she laughed.

“I think I must be.” She was clinging to him tightly. He felt so damn good. She put a hand on his head and felt the silk of his hair. She would have known it blindfolded in a room full of men. It was Daryl. “God, you feel good.” She pulled away from him just to look at him. He looked fabulous. Skinny, a little tired, a little burnt and totally overwhelmed. There is a look of contentment in his face. A vision of peace. He pulled her close again and nestled her head on his shoulder.

“I couldn’t believe it when you started writing, I’d given up hope.”

She felt bad suddenly for the long months of silence, now looking at his face, she could see how much they must have hurt him. He held her at arm’s length and looked her over. He didn’t want to let her go. He was afraid she’d vanish again. He wanted to hold on to her, to make sure she was real. And back. And his. But maybe….maybe she had only come back to visit…to say hello…or say goodbye…His eyes suddenly showed the pain of what he was thinking, and Lizzie wondered what was on his mind. But she didn’t know what to say. Not yet.

And then the words began to rush out. She couldn’t hold back anymore. The dam had finally given way.

“Daryl, I love you. It’s all so lousy without you.” It sounded so corny, but that was what she had come to tell him. She was sure of it now. She knew what she wanted. And now it was a question of want more than need. She still needed him., but differently. Now she knew how much she wanted him.

To be continued..

Wednesday, October 19, 2011

Left and Right Options





Wala ng ibang option eh. Wala na kong ibang choices. Wala na., Last resort. It's either I go left or I go right. 







......ang hilig nating tumingin sa kaliwa at kanan lang.. ang hilig nating isipin na wala ng ibang pwedeng tingnan kundi kaliwa at kanan.. eh pwede naman ung north-south-west-east ang gamitin ko... pwede pa nga ang mga northwest-southeast... ang point? Sa bawat pangyayari, palaging may mga options, hindi tayo mauubusan ng mga options na pwede nating piliin. Maraming pwedeng maging options kung pipiliin nating magkaron....

Thursday, October 13, 2011

Yung Akala Mo Yun Na Yun

Yung akala mo okay ka, hindi pa naman pala.


Yung akala mo ayos na lahat kase lumalabas ka, tumatawa ka, nakikipaginuman ka, sumasama-sama ka na sa iba, yun pala hindi naman.


Yung akala mo okay ka na kase ngayon hindi ka masyadong nag-iisip at nalulungkot, pero pag dumilim at at tumahimik na ang paligid, bigla kang aatakehin ng lumbay, hindi eh.. hindi ka pa okay.


Yung akala mo ayos ka na kase tipong looking forward ka sa mga lakad na magaganap sa mga susunod na araw/linggo/buwan, pero at the end of the day, iniisip mo pa rin na sana ganito-ganyan..


Yung mga moments na akala mo maayos at "matino" ka na kase ung ibang mga bagay na ginagawa mo nung mga panahong hindi ka ayos eh nagagawa mo na ulit, pero hindi mo naman pala sila ginagawa dahil gusto mo, ginagawa mo lang "just to let time pass", ginagawa mo lang para mapunan ung napakahabang empty spaces in between sa pang araw-araw na buhay mo.


Yung pag-aakala mo na kaya mong lokohin ang sarili mo sa pagpe-pretend na ayos ka lang, na kaya mo, na tapos na, na naka "move on" ka na (when there is no such thing as moving on only moving forward), yung sa sarili mo mismo alam mo na nagsisinungaling ka...


Yun, yun eh! Sampal sa katinuan mo! Panggising sa karuwagan mo na harapin kung ano man ung mga bagay na iniiwasan mo kaya ka nag-aakala...


FYI.. hindi ako yan.. ruma-random lang mula sa sala-salabat na kwento ng mga tao sa paligid. (defensive much?!) 

Tuesday, October 11, 2011

Random 02

  • Third day ko na ng pagkain ng iba't-ibang klase ng pasta. One more day and magmumuka na kong noodle house I swear
  • Sabi nung co-parent ko sa school kanina, "hala! buntis na naman ako!" it took me several seconds to reply, kase nalito ako whether to answer, "ah talaga? wow naman" or "hmm ganun? pano yan?" then I realized hindi naman kami close, tas feeling ko naghahanap lang sya ng mapapagsabihan, masabi lang ba, so I answered  "uy, another blessing! ayos yan."
  • Had brunch with an old friend. (ex manliligaw actually)
  • I might be having friends from Manila over the weekend (MpJin)
  • May mga taong ginagawang teleserye yung buhay ko. Masyado silang nag eenjoy na subaybayan ang ang mga pangyayari saken. Para silang balita sa GMA 7, nakatutok 24 oras. Nakakaloka. 
  • "Alam mo wala kang karapatang sabihing hindi ako masaya, hindi mo naman kase alam ang pakiramdam ng pagiging masaya ko, hindi mo rin alam kung anong ikinasasaya ko, iba't-iba ang ibig sabihin ng masaya para sa iba't-ibang tao, kaya kung wala kang magandang sasabihin na makakadagdag sa ikagaganda ng ekonomiya ng Pilipinas, I suggest you just keep your thoughts to yourself, S.T.F.U.!" (hindi ako galet)
  • Unti-unti ng nabubuo ang Sagada plans.. Im soooo heksaytment! may mga bagong makakasama sa sagada trip. ahihihihi mas ang heksaytment level! Yey!
  • I hate cross stitch. Isa sa pinakanakakatamad na gawain. Nung highschool pinagproject kame nyan, pinagawa ko sa iba =))
  • I fall a little harder everytime we talk.
                                   

Sunday, October 09, 2011

Untitled 02

Gusto kong maging writer. Gumawa ng script, mag imbento ng mga tauhan. Mga karakter sa isang kwentong pwede kong bigyan ng buhay. Tunay na buhay. Gusto kong gumawa ng buhay out of the life I have right now. Gusto kong magkaron ng magic wand na pwede kong iwasiwas sa mga tauhang magagawa ko out of pagsusulat para mabigyan sila ng tunay na buhay. Magkaron ng simula at ending ang mga karakter. Happy ending? Hindi. Naniniwala naman kasi ako na hindi happy ending ang lahat. Fairy tales doesn’t exist in real life. Tragedy? Pwede. Ang buhay ay puno ng mga fortunate and unfortunate incidents, na ang iba ay nagreresulta sa trahedya. May kakilala ko, gusto nya ng delubyo. Gusto nya ng may bagyo, ung bumabaha, ung mga sitwasyon na hindi normal sa pang araw-araw. Sa papaanong paraan nya gusto? Hindi malinaw sa akin. Pero minsan nabanggit nya na kapag daw kasi sa mga ganung sitwasyon, nagkakaroon ng pagkakataon na tipong tumitigil ang mga tao to really talk to each other. (tama nga ba ang pagkakaalala ko?) Naisip ko naman, kakailanganin pa ba ng unfortunate incidents, ng mga accidents, ng mga casualties, ng mga tragedies para lang mag usap ang mga tao? Kakaiba.

Gusto kong mag-isip tulad ng pag-iisip nya. Gusto kong maabot ang level of understanding na meron sya. Gusto kong maarok ang mga prinsipyo at ideals niya. Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong maging writer para maisatitik ko kung ano ang gusto niyang iparating. Kung ano ang gusto nyang maintindihan ko. Gusto kong maging isang mahusay na manunulat para maisulat ko ang mga sinasabi niya, para mabigyan ko ng kulay ang mga salita nya. Hindi ko kailangang maging isang pintor para makulayan ang bawat salitang namumutawi sa kanyang mga labi.

Gusto kong makita ang mga bagay na nakikita niya. Gusto kong Makita ang mga ito sa kung paanong nakikita ng kanyang mga mata. Gusto kong maliwanagan sa mga bagay na para sa kanya ay madali lamang intindihin.

Pero kailanman ay hindi ko gugustuhing maging siya.

Hindi siya writer. Hindi siya pintor. Hindi rin sya fairy god mother na may magic wand. Wala syang kakayanang baguhin kung ano ang nakatakda. Wala syang abilidad na kulayan ang mga bagay na sadyang walang kulay. Hindi niya kayang magsulat ng mga bagay-bagay sa labas ng paniniwala niya.
Hindi siya isang karakter sa mga kwento na gusto kong buuin. Hindi siya tauhan sa isang short story na nabuo ng isip ko. Hindi siya kasali dun sa buhay na gusto kong buuin out of the life I have right at this very moment.

Siya lang naman ung taong gusto ko.

Gusto ko sya. No questions asked. No explanations offered.  

Ikaw, alam mo ba ang gusto mo?

Friday, October 07, 2011

Quota Na Pag-ibig

“Me  quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magigig maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig saw ala. O di iibig kailanman.”



Tumingin ka sa palibot, sa mga kaibigan mo, kaopisina..Ilan sa kanila ang tunay na Masaya?

Relative naman ang pagiging Masaya.

Excuse ng malungkot.

Ang iba’y iibig sa ,aling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya nabuhay nuong 1930s, isang rebelled laban sa mga Amerikano, matagal nang namatay.Kaya she keeps falling inlove sa lalaking mas matanda sa kanya, hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.

May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabila ng building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man sya ng boyfriend nya kung ano yung lagi niyang tinitingnan sa kabila ay di nya masasagot. At kailanman ay di na nya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, ay din a niya malalaman kung sino nga ba yung nasa kabila.

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamng dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang tutong hindi nya mahanap ay ang kanyang sarili.

Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang magkahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.

Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag-ibig ay napupundi dahil ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong sa tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig at meron naming hindi makalipad Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. 
Merong pag umiibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Pero merong isa sa lima, harangan mo man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.

Fate?


*Para Kay B - Ricky Lee*
Photocredit: Google

Thursday, October 06, 2011

28 Untitled





Une autre annee pour vivre, une autre chance de faire les choses interessantes. Etre sage ne vient pas avec l'age, il est determine par combien de personne essaie de mener leurs vies. Son comment vous menez votre vie. J'ai vecu le mien et en vivrai certains plus. Une autre annee, une autre vie, une autre chance...Bon anniversaire a moi


Wednesday, October 05, 2011

Will You Hold My Hand?

Sabi ko dati, "I just wanted someone to hold my hand." Sa mga panahong nakakaramdam ako ng panglaw at pag-iisa. Sabi ko, yun lang naman yun, I wasn't asking for too much naman. Akala ko nuon simpleng bagay lang yung hinihiling ko at ikinapagtatampo ko ng sobra dahil simple na nga lang hindi ko pa makuha agad. Hindi pala. I was wrong in thinking na simpleng bagay lang yung hinihingi ko. I was asking for something much much more pa pala. Akala ko nuon madali makuha. Narealize ko sa paglipas ng panahon na the things you wanted the most are the hardest or most difficult to achieve. Why? Siguro kase hindi para sayo ung bagay na minimithi mo. Or baka hindi pa rin panahon para makuha mo ito. Pero, kung hindi pa ngayon ang panahon, when is the right time? When is the right time para lumigaya ka? May oras ba talaga ang kaligayan ng tao? Kung hindi mo makuha agad o sa ngayon ung mga bagay na alam mong makakapagpasaya sayo, hindi ka na ba liligaya? Hindi. Anytime pwede ka maging masaya. You just have to look around you to realize na you can be happy with whatever it is you have now, regardless kung magkatotoo ung mga bagay na wini-wish mo. These are just secondary. The things you thought u need and want to make yourself happy? Secondary lang yan, kase ang pangunahin na makakapagpaligaya sa isang tao ay ung mga bagay na existing right at the very moment of hoping or wishing for somethin else which you thought will make you happy.

Sa paghihintay kong dumating ung tao na hahawak sa kamay ko sa mga panahong kailangan ko ng kasama-karamay, nabuhay ako sa isiping, hindi ako magiging maligaya ng mag-isa. Umikot ako sa paniniwala na ang kaligayan ko ay nakadepende whether or not I get to find someone who's willing to hold my hand no matter what. Paano kung hindi dumating? Habang buhay ako malulungkot kase yun ang iniisip kong ultimate happiness ko? Taning. Naalala ko dati na tinaningan ko pa ang sarili ko. Umabot yang kalokohang yan hanggang sa dumating ang kalahati ng taong kasalukuyan. I told myself and people around me that when I reached 28 at single pa rin ako, I'll resign myself to being single forever. Forever Alone. Isang malaking kalokohan. Wala naman kaseng nakatakdang schedule ng panahon o edad ang pagkakaroon ng kasama sa buhay. Nangyayari yun o dumadating un when we least expect it. In less than 24hours, I'll be on my 28th years of existence sa mundong ginagalawan ko, I am still single. There are times when I feel sad about being single, about being alone, normal naman kase yata yung makaramdam ng ganun pagkapaminsan-minsan. Tao lang eh. Ang importante, you still or managed to get up each day trying to plaster that smile in your face at isiping, I am not really alone and that I can be happy kung pipiliin kong maging masaya may kasama man o wala. Pwede ko namang hawakan ang sarili kong mga kamay pansamantala....

"Happiness is a choice!"
Color your world with colorful happiness which you can find around you.

PhotoCredit: Google

Tuesday, October 04, 2011

Untitled 01



"Kung di ka na masaya, malaya kang bumitaw, pero eto eh kung sarili mo lang sana ang iisipin mo. Pero kung kumplikado ang bawat hakbang na gagawin mo, mahirap talaga... marami tayong choices sa buhay, madaming tao na dadaan sa buhay natin, maraming mag-ooffer ng saya. Pero walang makakasiguro na hindi nila tayo sasaktan kailan man. Ang tanong lang naman, sino ba sa kanila ang 'worth the pain'?"
-- Kuya A.


Photo Credit: EmilySutherland

Sunday, October 02, 2011

Random 01


Kapag daw nahihirapan na, bumitaw na…


Paano ka naman bibitaw lalo na kung alam mong may umaasa sayo? Sana kapag nahirapan at napagod ka, meron sanang sasalo sayo kahit pansamantala. Tao ka lang eh.. napapagod, nahihirapan, nangangailangan ng pansamantalang kapalit
Hindi lang katawang lupa ang napapagod…mas lalo ang puso…marunong din mapagod, mahirapan at magsawa…..masaktan……….
Hanggang kailan ka kakapit? Hanggang kailan ka lalaban? Hanggang kailan ka susulong? Hanggang kailan?







Ka mag-iisa?




Photocredit: Jessavila

Sunday, September 25, 2011

Lapis At Kinabukasan


‎”ate, balik po kayo ulit ha, thank you po sa bigay nyo, mahirap na po gamitin ung lapis ko ang liit na po, bigay lang po un ni teacher”


Disyembre nang nagdaang taon ng marinig kong mamutawi ang mga salitang yan sa isang pitong taong batang babae. Isa sya sa mga batang binisita namin upang mabigyan ng kaunting ngiti sa pamamagitan ng pamamahagi ng kaunting "blessings" sa isang pampublikong paaralan dito sa Norte. Isa sya sa mga batang tunay na naghihikahos ang pamilya. May 10 mga kapatid, ang tatay ay isang karpintero na mas madalas na walang trabaho habang ang nanay ay suma-sideline sa paglalabada upang kahit paano ay may maihain na pagkain sa mesa nila araw-araw. Araw-araw na naglalakad ang batang ito patungo sa paaralan upang pumasok, naglalakad siya ng may 8-10 kilometro marating lamang ang paraan. Madalas pumasok ng walang baon kundi ang ilang pirasong "notbuk" at pudpod na lapis. 

Hindi ko mapigilang hindi malungkot nang marinig ko yan sa kanya. Kahit pa isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa kanyang batang mukha ng mga oras na yun, alam kong panandalian lamang yun. Ang reyalidad ng pait at hirap ng buhay niya at ng kanyang pamilya ay muling babalik sa kanya matapos ang ilang sandali. Napaisip ako, anong buhay ang naghihintay sa batang ito? Makakatapos kaya siya ng kolehiyo? Magkakatrabaho kaya siya ng maayos? Maiaahon niya kaya sa hirap ang kanyang pamilya? Hanggang saan ang aabutin ng kanyang pudpod na lapis, dalawang pirasong notbuk, upod na tsinelas at sira-sirang payong?

Karapatan ng bawat batang isinilang sa mundo ang magkaron ng magandang kinabukasan. Ang magkaron ng pangalan, magkaroon ng pagkaing makapagpapalaki sa kanila, magkaron ng mga damit na maisusuot, tahanang masisilungan,  lumaking may magandang asal, makapag-aral, lumaki sa malinis at maayos na komunidad, makapaglaro at magsaya, karapatan nilang mabuhay ng walang takot at pangamba. 

Napakaraming bata ang walang kasiguruhan ang kahihinatnan, madaming nagugutom, walang bahay na matutulugan, mga hindi makapag-aral, walang pamilyang nag-aaruga. Mga batang nasa lansangan, nasa bahay ampunan. Mga batang salat sa lahat. Mga batang hindi malaman kung may magandang kinabukasang naghihintay sa kanila. Mga batang napapariwara. Hindi minsang sumagi sa isipan ko ang gumawa ng kahit na anong paraan upang makatulong sa kanila. Hindi ko man sila maabot lahat, maramdaman lamang ng kahit ilan sa mga batang ito na may mga taong handang tumulong in their own little and simple ways. 

Hindi mo kailangang maging isang superhero para maisalba sila sa kahirapan at paghihirap na kasalukuyang dinadanas ng mga inosenteng batang ipinanganak sa mundo ng walang kasiguruhan. Hindi mo kailangang gumawa ng bagay na makakapagbago sa buhay ng mga ito, na makakapagpa-angat sa kinasasadlakan nila. With just a simple touch, a single smile you can make a difference.  A single gesture says it all. You need not show the world what you intend to do. 


To Ms. R.M.A., I know I promised not to write yet about anything, I'm sorry I just cant help it, You know how I feel about these things right now. The excitement level's overwhelming. And I think I just found our perfect venue for the project..  ;))  lab! :*


***larawan mula kay Google***

Saturday, September 24, 2011

20 to 28th Update

20 Things To Do Before I Hit 28
  • Weekend get away before the Sagada Trip (alone; soul search?! lol)
  • Dinner date with friends from up north (no more cancelling, ill do the organizing) - super fun! went home super late. finally natuloy na din after almost a year na pagplano na makumpleto. finally!
  • Drink till I drop (been drinking for several days now, but havent tried this one yet)
  • Intramuros photowalk (missing intramuros) EPIC FAIL! walang time for this one eh. Waley putographer lol 
  • Haircut that I'll definitely regret (i like regrets) - at talagang nagsisi ako sa pagkakagupit here and there. hayzzzz
  • Cup of coffee while watching the sunrise sa rooftop ng neighbor (our rooftop's kindda hard to reach) - nakikape ako sa rooftop ng neybor ko na nagpapahiram saken ng smartbro kapag tinotopak ung connection ng wimax ko.
  • Lomocam! Somebody promsied to send me one first week of October! Im so excited!
  • Learn basic lomography  - been reading a few tutorials on this one
  • Decide. decide. decide. (life, path to take blah blah blah) - I'm doing this pakonti-konti. Tipong pinag-iisipan lang not really planning. I'm done with planning. Yoko na magplano
  • Clean my life --I mean my closet. Dispose. Dispose. (things that arent needed anymore) a day after the original post of this 20things, nagawa ko to, andaming nadispose (mainly because hindi na kasya lol)
  • Cultivate and nurture sadness a certain flowering plant (cactus hahaha) - forgot kung anung pangalan nung halaman na un, pero nagawa ko to, just dunno kung mabubuhay hahaha
  • Steaming Hot Sex lol 
  • Write a letter (a very long letter, novel?! lol) - I've started this one already although hindi ko pa natatapos, I still have a few weeks to work on it pa naman.
  • Visit my dad
  • Go to confession  Done! 
  • Buy a new skirt  - done! hindi nga lang perfect fit nung sinukat ko na sa bahay. Sadly hindi na pwede ibalik, Shoot sa jar ni Friendship. 
  • second piercing (right ear) - may slight changes in here.. ive decided on somethin else, update and a separate post about this will be posted soon once completed na ang task hihihi - Instead of the ear piercing, I had my first and last tattoo last week. Permanent tattoo that is. Will make a separate blog post about this in the coming days.
  • Start a 30-day photo challenge (goodluck!) EKS-EKS EPIC FAIL - tinamad na ko ng sobra. I guess im really not into challenges. Ive started several challenges earlier this year, mostly writing challenges at sa dami nun, well, isa lang ang natapos ko. lol
  • Look for a regular 9-5 job (this homebased job is driving me nuts) balik tutorial hahaha still homebased work, and still not a 9-6 job. 
  • Move forward (easy to say, hardest to act upon) And im really coping...

Ive got three more things that I haven't crossed out yet. I still have plenty of time to do it. 24th pa lang ngayon. Ive less than two weeks I guess to work on it. Lol. Goodluck saken. 

Friday, September 23, 2011

It's Not You, It's Me Shit

Karaniwan na as is karaniwan na talaga sa mga nagbe-break na may isang bumabanat ng “its not you, its me”. At yung taong nakipagbreak ang mariringgan mo nyan. Pampalubag loob? Malay ko! Napapansin ko lang na palaging ganun. From stories of friends who’s been dumped by their boyfriends (dahil sa nakahanap ng ibang babae na MAS daw ung boyfriend), to books that I’ve been reading hanggang sa mga romantic films na napapanuod ko. Sobrang gasgas na gasgas na yang linyang yan.



When a relationship ends, whose fault is it nga ba? Sino nga ba ang may sala? Kaninong pagkakamali ang mas matimbang na nakapagdecide sa isa to end the relationship? Bihira mangyari na mutual ang decision na tapusin ang isang relasyon. Sabi nila, it takes two to tango. Totoo nga naman. Pwede ka bang makipagrelasyon ng solo? O, sige, subukan mong makipagrelasyon sa sarili mo. Tipong sulatan mo sarili mo (hmmmm nigagawa ko to minsan), i-date mo sarili mo, regaluhan mo sarili mo at kung anik-anik pa. Mukha ka lang tanga diba? Relationship with yourself? Yeah right..  A relationship is a special kind of connection of two people who understands each other, yun bang may sarili silang mundo na sila lang ang nagkakaintindihan. (shempre joke yan, maniwala uto-uto) Kapag may nagsawa, o may nakahanap ng iba o sadyang bigla na lang nawala ng parang bula ung kung anu mang nararamdaman para sa karelasyon nya, its time to end the relationship. Para ke ano pang itutuloy nyo kung you don’t feel the same way anymore? Ano un, lokohan lang? “isipin ko na lang mahal mo pa ko, ituloy natin ung relationship natin ha.” Isang malaking kalokohan. Sino niloloko nyo? Kapag nagkaganun, ang iisipin ng tao, kasalanan ng nakahanap ng iba (kasi lumilingon-lingon pa kung san), kasalanan nung nakawala ng pag-ibig(naks!) sa karelasyon nya ( kasi kesyo hindi naalagaan kaya namatay ang love ahihi), basta never na magiging kasalanan ng taong hiniwalayan. Siya yung aawardan sa pagiging kawawa and everything. Siya yung magmumukmok, mag iinarte ng bongga, iiyak hanggang sa maubos lahat ng tubig mo sa katawan. Etong si iniwan, “Ano bang nagawa ko? Anong mali saken?” Sasagutin naman ni nang-iwan ng “ It’s not you, its me.” Tupperware much diba? Aakuin mo kunyari na ikaw ang may kasalanan kahit hindi. Kase sa totoo, wala naman talagang may kasalanan. Hindi naman dapat magkaroon ng sisisihin sa mga ganyang sitwasyon o sa kahit na anong sitwasyon pa.(akalain mong may natutunan din ako sa kanya lol) Hindi naman kasalanan ng tao na bigla na lang nag evaporate ung nararamdaman nya. Hindi niya rin kasalanan kung may makita sya na sa tingin niya eh yun ung taong makakapagpabago sa takbo ng buhay niya.  Buhay kase tayo. And as we live, we grow din. Hindi rin kasalanan ng taong naiwan. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo kase inalaagan kaya nakahanap sya ng iba. Anung klaseng alaga ang kailangan? Araw-araw na didiligin? Lalagyan ng fertilizer achuchuchu? Hindi halaman yan na kailangan ng fertilizer at kaunting sinag ng sun araw-araw eh solb na.. Nangangailangan yan ng mas matinding well hindi naman talaga matindi, it needs a certain kind of understanding for a relationship to work. It needs a certain kind of connection/bond to make it last. Kapag wala na kayong maramdamang koneksyon o chemistry, anung sense na ituloy pa?

For some na iniwan, malamang mahirap makamove one.. lalo kung mahal mo pa talaga ung taong nang-iwan sayo. Ang coping mechanism ng ilan eh ang manisi (I should know, ganyan ako eh!) Tipong lahat na ng krimen sa mundo mula sa pagpatay kay Lapu-lapu ibe-blame mo sa nang-iwan sayo para lang mapagaan mo yung loob mo.  Pero sa totoo, alam mo sa sarili mo na wala naman may kasalanan. Walang  dapat sisihin. Walang inapi, walang kinawawa. What happened was a simple twist and turn of fates. Ibig sabihin, hindi yun ung perfect timing para sa love na nararamdaman mo. Siguro meron pang iba para sayo or hindi nyo pa panahon. Destiny shit once again. Or maybe inihahanda ka lang para sa “the one” (leche! Hahaha) Kaya binigyan ka ng failed relationship naaahhhh scratch the failed relationship kase hindi naman failure yun. Kaya ka nabigyan ng relationship na hindi nagwork kase may someone better na darating, and if and when it comes, handa ka na. Praktisado ka na from the past relationships you’ve had. Ganun nga siguro un.


*larawan mula kay Google* 

Wednesday, September 21, 2011

Reasons, Seasons and Changes









"Everything happens for a reason." --- Madalas kong madinig yan kahit nuong pa. For every shit that has happened in my life, ung mga tao sa paligid ko, madalas sabihin na, "ganyan talaga ang buhay, yaan mo lang, lilipas din yan, saka lahat ng mga nangyayari sa buhay natin may dahilan." Nga kaya? Ano namang dahilan kaya un? Nakakatawa kase sa totoo lang, sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na yata nalaman ang reason behind everything. Or maybe I wasn't paying attention to it. Tipong nagfocus lang ako sa mga nangyari o sa results after nun kaya hindi ko na nabigyan ng pansin kung bakit nga ba nangyari ung mga bagay na yun. Ang sa isip ko lang nun, anu man ang mangyari, maa-alter neto kung anu mang resulta ang ini-expect ko. 

Mahilig akong magplano. Mahilig din sumablay ung mga plano ko. Planning shouldve been my middle name.  Gusto ko kase nakaset lahat, kaso hindi naman pala pwedeng ganun. It took me a while.. well it took me really wuite a while to realize na there are things that we have no control of.. "mangyayari ang mangyayari" (according to a friend) kahit anong editing or alterations ang gawin natin in one situation, if its meant to be, it is bound to happen. We can't do anything about it.  Kahit na hate na hate as in super hate natin ung posibleng outcome ng isang sitwasyon, wala tayong magagawa, yun na yun eh. Its either we accept it or we go against it. Going against it wont do us any good. Ano, lalabanan mo ang sitwasyon? Magpapakapraning ka na mabago ang lahat? Para ano? Pahirapan ang sarili mo? Aba! Nasisiraan ka ng ulo! (Ganyan ako eh! Hahaha) Accepting things as they happen, less complication sa buhay mo, less stress, less pressure, less negativities (although sabi ulit ng friend ko wala naman talagang negatibo sa mundo). Mas okay siguro kung let nature take its course. Wag mong labanan. Just go with the flow.

May mangilan-ngilang pangyayari sa buhay ko recently ang nakapagpabago ng ilang pananaw ko sa buhay. My recent break up with an ex, made me realize a few things, isama pa ung mga naging reaksyon ko, pagtatry kong magcope sa sitwasyon na hindi ko naman talaga hawak o kontrolado, not to mention ung incident with my sister, wherein I was able to see things in a different light. May isang linggo pa kami para mawalan ng kaba sa mga nangyari. She's been asking me these "what if" questions. To be honest, I dont have answers. Hindi  naman kase porket ako ang ate eh may mga sagot na ko sa mga katanungan niya. I don't. Siguro ung panahon at pagkakataon lang ang makakasagot. Siguro or sigurado na may mga hindi magagandang epekto or resulta ang mangyayari once na may mapatunayan kami. Ayokong mag-isip. Hindi ko dapat pagplanuhan na ganito ang gagawin, ganito ang mangyayari. Walang wenta yun eh. Hindi makakatulong. Bibigyan ko lang ng problema ang sarili ko. I'll just try to embrace whatever na ibato sa amin/ sa akin ng sitwasyon and will act from there. Baka additional blessing. Hindi ko alam. Bahala na si batman.

We take things as they come, hindi na ko kumbinsido na uubra ung pagpalanuhan mo ang lahat sa buhay mo even before it happens kase hindi ka naman sigurado sa kung anong meron bukas. What you have today, may disappear tomorrow. Situations change, feelings change, but people dont.. Tayo pa rin to kahit anong pagbabago mangyari sa paligid natin, we don't change, we just adapt.. 




*larawan mula kay Google*

Saturday, September 17, 2011

Tag. Tagged. Tagging. Tag


I've been tagged.. Its been sittin in my inbox for like a month now.. eto finally, ginawa ko na! Sorry sa delay chello :P

o1tell me the truth, what made you start liking the person you like right now? - I like the things I don't like in him. ;)) hihihi
o2. what on your body is hurting or bothering you?  - my knee hurts. 
o3. what was your last thought before going to bed last night? - I can't remember
o4. what are you listening to?  - Jillian's crying 
o5. what’s something you’re not looking forward to? - my birthday
o6. where do you think your best friend is right now? - i dont have a bestfriend
o7. have you kissed anybody in the last five days? - zilch
o8. sex on the first date? - Yes
o9. kiss on the first date? - Yes
1o. is there one person you want to be with right now? - Yessssss
11. are you seriously happy with where you are in life? - Noooo
12. is there something you would like to say to someone? - Yessssss. A lot, actually
13. what are three things you did today? Jogged, Took a bath, Went to church
14. would you rather sleep at a friend’s or have them over? neither
15. what is your favorite kind of gum? - Bazooka =)) (meron pa ba nun?) =))
16. are you friends with any of your ex boyfriends/ girlfriends? - With my recent ex, yes, i think.
17. what is on your wrists right now?  - Silver bangle
18. ever liked someone you thought you didn’t stand a chance with? - Yesssss
19. does anyone have strong feelings for you? - I dunno. 
2o. are you slowly drifting away from someone? - I think its the other way around.
21. have you ever wasted your time on someone? - Yesssssssss.
22. can you do the alphabet in sign language? - Few letters only.
23. how have you felt today? - Stupid, Tired, Weary, Sleepy
24. you receive $60 without any reason, what do you spend it on? - Lomography!
25. what is wrong with you right now? - Pessimism.
26. is there anyone you’re really disappointed in? - Anyone and something.
27. would you rather have starbucks or jamba juice right now? - Neither. I'd rather have Bear brand, choco na gatas-gatas na choco =))=))
28. why aren’t you in ‘love’ with your last ex anymore? - I am STILL. Stupid question!
29. how late did you stay up last night and why? -  Slept at 4am. Can't sleep.
3o. when was the last time you talked to one of your best friends? - (close friend) a few hours ago.
31. what were you doing an hour ago? Was at church.
32. what are you looking forward to in the next month? - Nothing
33. are you wearing jeans right now? - No, im wearing nothing! Lol
34. are you a patient person? - I think I am.
35. do you think you can last in a relationship for three months?  - My recently concluded relationship lasted for about a month and 3 days, that was the shortest relationship I've had in my 27 years of existence. Other relationships lasted for several years.
36. favorite color? - Black
37. did you have a dream last night?  - Maybe. But I can't remember.
38. are you wearing jeans, shorts, sweatpants, or pajama pants? - I sometimes do.
39. if someone could be cuddling you right now, who would you want it to be? - PRO
4o. do you love anyone who is not related to you? - Yesssssss

Thanks for tagging Chello... pinatulan ko na, wala akong magawa eh. ;))